Nais mo ba na sumama?
Tara't takasan natin ang mundo
Payag ka ba na maglakbay kasama ako?
Sapagkat oo ang sagot ko kung tatanungin mo
Isasantabi ang takot kung sakali mang sa ating dalawa ay mas kailangan ang suporta koTakot ako sa dilim
Sa insekto
Sa gubat na walang tao
Ngunit kung aayain ako'y kaagad sasamaIkaw, handa ka ba?
Handa sa akin, o sa kanya?
Sasama lang ba sa pagtakas dahil sa awa?
Ang tinitibok ba ng ating puso ay hindi pa rin tugma?—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...