Sibol

23 0 0
                                    

Pagsibol ng kaba
Animo'y nakatayo sa dulo ng talampas
Sa pagtalikod ay natagpuan kang nakatayo sa may 'di kalayuan habang nakatitig sa akin

Pagsibol ng kaba nang imbis na tumakbo palapit ay hindi gumalaw sa kinatatayuan
Pinagmasdan lamang akong kitilin ang buhay sa pamamagitan ng pagtalon

Pagsibol ng kaba
Luha ang siyang pumatak mula sa mata
Isang mapait na ngiti ang pinakawalan bago tuluyang humiga
Hindi sa lupa
Kundi sa hangin

Pagsibol ng kaba
Nawa'y sa panibagong buhay ay muli kang makilala



—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon