Takbo sabay hinto
Lingun sa kanan at pagpipiring ng panyo
Hawak ang kulay puting jacket ay nahuli ng aking mga mata
Ang pagtulak ng iyong tingin sa kanyaMasakit sa balat na sikat ng araw
Mga titig na sa gulo ng paligid ay nangingibabawTatalikod ka sa akin
Sabay kausap sa iyong mga kaibigang nasa harapan
Magtatanong ng mga bagay-bagay
Habang boses mo'y aking pinakikingganUmatras ka at apakan ang aking puting sapatos
Kausapin ako at kamustahin pagkatapos"Pasensiya na"
Kung sakali mang marinig iyon mula sa iyong mga labi
"Ayos lang"
Tititigan ka sa mga mata kung sakaliTakbo, lakad, lingun sa likod
Sa pagtakbo palayo ay hindi ka ba napapagod?
Huminto muna
Magpahinga at punasan ang pawis sa mukha
Huwag tatakbo nang mabilis, Sinta kung ayaw mong madapa
Mabuti sana kung sa akin babagsak
Ngunit sa maruming tekstura ng lupa-sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...