Itatawa na lamang ang nararamdamang hiya
Paano'y inakala kong magkakaroon na ng tiyansa
Inisip kong siguro ito na
Ngunit hindi pa palaItatawa na lamang ang mga pag-aakalang sasabihin na nang tuluyan ang tunay na nararamdaman
Ngunit muli ay malabo iyon sapagkat sa kanya parin pala mananatili ang iyong puso
Sayang ngunit ganoon talaga sa tuwing inaakala nating pipiliin na tayoItatawa na lamang
Ano pa nga ba?
Ang tanging magagawa na lamang ay ibigay ang kayang ibigay
At iiwas ang kailangang iiwas
Sapagkat sa huli ay kung ano ang nais natin ay hindi ang siyang natutupad—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...