Nasisiraan ng bait sa bawat pahina
Minsan nakangiti ngunit madalas ay lumuluha
Bawat ritmo ng kantang pinapakinggan ay nagpapaalala sa iyo
Oo, ikawSa bawat pahina ay isinusulat ang iyong pagkatao
Simula noong una kang makita hanggang sa huling araw ng pagkakalayo
Hindi ko na sana ito nais pang dugtongan ngunit para sa iyo pala itong libro
Isinulat ko ito para sa 'yoMay iilang pahina na isinulat noong nagkaroon ng kaonting interaksiyon
Bagay na hindi na maisusulat ngayonNgayon, isinulat ko ito dahil naalala na naman kita
Nais na namang isulat ang kinang ng iyong mga mata
Kung paano ito lumiit sa tuwing ngumingiti ka
Kung paano lumobo ang iyong mga pisngi sa tuwing pinipigilan mong matawa
Kung paano ka tumalon sa tuwing masaya
Tumakbo habang hinahabol ang barkada
Potangina, kabisadong-kabisado kita!
Kinabisado ng higit sa dalawang taon, sinta!
At hindi ko namalayang ginagawa ko na pala iyon hanggang sa may magsabi sa akin na kilala g-kilala na pala talaga kita—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...