Anong pakiramdam ng nilalapitan sa tuwing bago o magkatapos ng klase?
Ano ang pakiramdam ng tatawagin ka sa malambing na boses gaya ng "Halika, dito ka sa tabi ko"
O 'di naman kaya ay "Uwian na, halika sabay na tayo"
O puwede rin namang "Ihahatid na muna kita sa inyo"Ano ang pakiramdam ng makatagpo ng taong alam ang mga bagay na ayaw at gusto mo?
Iyong naririnig ang katahimikan na bumabalot sa 'yo"Hindi niya gusto 'yan"
"Ayaw niya ng ganyan"
"Ay, gusto niya 'to, bibilhin ko"
"Ayaw niya ng may dumidikit sa kanya"
"Distansiya, pre wala sa mood 'yan kapag hindi nagsasalita"
"Ayaw niya ng chocolates"
"Mahilig siyang magsulat"
"Ah, favorite book niya 'to"
"Favorite movie niya 'yan"Darating din ang taong kikilalanin ka
Mememoryahin lahat ng mga bagay na tungkol sa 'yo
Maririnig ang mensahe ng katahimikan mo—sane.

BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoesíaMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...