Masyado ka sigurong nakampante
Akala mo'y hindi ka na mapapalitan
Akala mo'y hulog na hulog sa 'yo at hindi ka susukuan
Ngunit nakalimutan mo yata na napapagod ang tao
Hindi tayo nakukuntento
Kaya kung ako
Bakit ako nananatili sa isang tao kung mayroon namang iba riyan na tanggap ako?
Natututunan ang pagmamahal, tamad lang talaga tayoKampante ka ba?
Na hindi na siya mahuhulog sa iba kung kaya't nasisiyahan ka sa pakiramdam na hinahabol?
Kung gano'n ay pagmasdan mo rin ang unti-unti niyang pagkapagod
Kung paano unti-unting mawala ang nararamdaman niya sa'yo
At sa paraang iyon ay malalaman mo
Kung bakit sa lamig ng panahon ay ganoon din ang kape sa baso—sane.
![](https://img.wattpad.com/cover/349114693-288-k726777.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...