'Di masukat ang saya
Ang araw na iyon ay isang pagtitipon sa paaralan nang makatabi kita
Animo'y nakadikit ako sa kinauupuan dahil sa wakas malapit ka naLumakas ang tugtog at nagsitayuan ang lahat
Nilingun ko ang gawi mo ngunit napaatras sa labis na pagkagulat
Nagkasalubong ang ating mga titig
Sandali kang ngumiti
Sa sandaling iyon ay bumalik ang lahat ng pagbabakasakaliHindi ko na mabilang kung pang-ilan
Pero nagkamali na naman ako
Dahil sa huli ay siya parin ang nasa tabi mo

BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...