"You're too good for me"
Naalala ko pang sabi mo
Dahil lang masyado akong maalaga
Masyado kitang inintindi
Masyado kitang tinrato nang tama
Masyado kitang minahal nang sobra pa sa hinihingi mo
Nasobrahan yata ako kaya nagsawa ka
Kaya hinanap mo sa iba ang mga bagay na sakto lang para sa akin pero para sa 'yo ay sumobra na pala"You're too good for me"
I saw that post and I remember you
Naalala ko kung paano mo ako iniwan dahil lang masyado kitang inintindi
Siguro gano'n nga yata
Naiiwan ang mga masyadong ibinigay lang lahat
Nagpakaperpekto ako nang hindi ko alam ay mas gusto mo pala ang pula kaysa sa berde
Hindi ko tuloy naisip kung saan ako nagkamali
Kaya sa tingin ko'y sumubra nga yata ako
Minahal kita masyado
and you left
Just because I was too good for you—sane
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...