Kalmado na ba?
Nais na bang umuwi at magpahinga?
Bakit hindi muna matulog at managinip ng masaya?
O 'di kaya'y isama ako kung saan mo man nais magpunta?Kalmado na ba?
Pasensiya na kung hindi ako ang makakapagpatila ng iyong nararamdaman
Hindi ako ang makakapagpigil kung sakali mang mawala sa sarili
Hindi ako ang gamot na patutulugin ka sa mga oras na ika'y hindi mapakaliNgunit muli ay tatanungin kita
Sinta, kalmado na ba?
Maaari na ba akong magsalita?
Pakinggan kahit limang minuto lang muna?
O ilang segundo kung nagmamadali ka?Paumanhin kung ang posporong nagdala ng apoy ay ako
Hindi ko ninais na maging sanhi ng sunog sa buhay mo
At maging dahilan ng pagkatupok ng mga bagay na importante sa 'yo
Sinubukan ko lamang makakuha ng kaonting papel
Papel na mayroong halaga upang hayaan akong maging parte ng mundong mayroon ka
Hindi ko batid na ang papel na iyon ay basura
Na magiging sanhi ng apoy mula sa akin, sinta
Kaya ako'y aalis na
Ngunit teka, sa huling pagkakataon ay tatanungin kitaKalmado na ba?
—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...