Katahimikan

29 0 0
                                    

Sa gitna ng katahimikan ay ang pagkakasalubong ng mga tingin
Bawat lingun ay dumadako ang iyong mga mata sa akin
May nararamdaman ba?
May nais ba na sabihin?
Kung gano'n ay ano 'yon, kung iyong mamarapatin?

Sa gitna ng katahimikan ay ang lihim na paghanga
Isinulat ko ito nang mahuli ko ang pana
Ni kupidong sa akin yata tatama
Ngunit agad akong yumuko
Upang hindi ito mapunta sa akin
Hindi nais masaktan ang iyong damdamin
Ngunit hindi ang iyong paghanga ang nais kong tanggapin

Sa gitna ng katahimikan ay ang pagngiti sa isa't-isa
Tanggap na ba na hindi tayo ang nararapat, sinta?
Maaaring nagkamali lang ng pagkakakilala
Hindi batid kung sino ako talaga, 'di ba?

Katahimikan
Nang dahan-dahan akong mag-angat ng tingin
Hindi sa 'yo kundi sa ginoong nakaupo sa iyong tabi
Kanyang tingin ang hinihingi
Kanyang presensiya ang nais madama
Hindi ang sa ito, pasensiya na

Sa gitna ng katahimikan
Umuugong ang pangalan
Kahit ako'y talikuran
At maglakad sa kalayuan
Ay makikilala kita
Kahit nakatalikod ay malalaman kong ikaw
Kahit nakapikit ay makikilala ang iyong boses
Kurba ng labi, hugis ng mukha
Kahit saang parte ay kabisado kita


—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon