Uulit, susugal

5 0 0
                                    

Uulit, susugal
Kung hindi tayo ay ipipilit ko
Bakit hindi? Bakit kailangang hindi?
Kung maaari ay uulit, susugal ulit

Kaya mo pa ba na tumayo?
O idilat man lang ang mga mata?
Bakit hindi nalang sabihin na napapagod ka na?
Mabigat na ba ang talukap?
Nahihirapan ba na huminga
Pakiusaup ay huwag sanang . . . tuluyang ipikit ang mga mata
Sapagkat narito pa ako
Uulit, susugal
Pakiusap ay sabayan ang oras sa tuluyan nitong pagbagal

Umiiyak
Nakatingala sa kulay gintong langit
Sinisigaw kung bakit
Kinakailangan ka niyang kunin sa akin nang maaga
Kung uulit, susugal ay magkakaroon ba ulit ng pag-asa?
Sinta, kung totoo ang himala ay bubuhayin ka niya!
Bubuhayin kita!

Ngunit sino ako para mangealam sa nakatakdang mangyari?
Na kahit humagulgol hanggang sa mawalan ng luha sa pag-iyak ay hindi kita mababawi



—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon