Nais nang tapusin ang mga pahina nitong libro
Oh kaya naman ay punitin na lamang ito nang buo
Maaari rin namang ibigay nalang sa 'yo
Kalakip ng nagdurugong pusoBilang na ang mga araw
Hindi na kailanman magkikita
Ngunit kung kailan magtatapos na ay saka pa nahiya
Saka pa dinalaw ng pagkabigo
Paano ba naman, e alam ko nang hindi na tama sinundan pa rin ang gusto ng pusoWala naman na talaga, e
Kahit anong gawin hindi mapapansin ang mga panakaw na tingin
Nawawalan na ng ganang abutin
Ang bituing dapat ay hanggang tingin lang sa akin—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...