Pikit

120 0 0
                                    

Matang nakapiring
Boses na nangingibabaw sa iilan
Dinig ng tenga ang himig mong minsan lang mapakinggan

Pikit
Sabay piring ng panyo
Kanina'y pinagmamasdan ba ako?
Sinabi kong hindi na gagawin ngunit muli ay inulit na naman
Memoryado ang boses mo na kahit nakapikit ay malalaman kong ikaw

Ibig bang malaman ang lahat ng iniipon kong pag-asa?
O kahit iilang detalye lamang noong una kitang nakita?

Sa harap ng gusali kung saan maraming nakapila
Ay nahanap kita

Sa pang-apat na palapag ay nakasabayan

Nahanap kita sa gitna ng maraming istudyante

Sa silid
Sa hallway
Sa library
Sa 4th floor

Pipikit
Kapag ginawa ba iyon ay babalik tayo sa unang araw ng pagkikita?
Kung saan naroon ka sa pagbuklat ng panibagong libro sa librarya
O kahit sa unang araw ng klase kung saan tayo unang nagkakilala

Nakapikit
Pinagmamasdan ba ako?
Kung sasabihin ba ang tunay na nararamdaman ay magkakalaman ba ng pag-ibig ang walang lamang baso?



—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon