Ingay ng mga sasakyan
Tunog ng bawat busina
Matinis na sigawan
Ang hindi ko kinakayaNgunit nariyan ka
Tinig mo ang nagsilbing musika
Sa maingay na paligid
Ang iyong boses ang nagsisilbing panghalinaIngay ng bawat sasakyan
Usapan ng bawat taong dumadaan
Nariyan ka
Sa aking harapan
Inaalis ang takot na aking nararamdamanIkaw ang pinakamagandang ingay
Para sa aking tenga
Ang pinaka kalmadong musika
Makapangyarihan ang iyong presensiyaIngay
Busina ng mga sasakyan
Sigawan sa paligid
Boses mo lamang ang tiyak na kalalagyan
Ng bawat takot na dahan-dahang naglalaho
Sa lilib ng maingay na kulungan—sane

BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...