Nais nang magpahinga
Kailan ba matatapos itong paghihirap?
Nais nang bumitaw
Ngunit ako'y tao pa ba kung walang pangarap?Nais nang magpahinga
Maaari ba na huwag nang gisingin?
Sino ako kung sakaling mahulog sa bangin nang alanganin?Sapagkat sino ang titingala
Sa taong bumagsak sa buhay?
Sino ang tutulong kung hindi sarili ang aalalay?Nais nang magpahinga
Kung gigisingin ay huwag na
Sapagkat sino ako kung mawawala sa akin ang bagay na gusto ng iba?Nais nang magpahinga
Matulog nang mahimbing
Nais kong mamatay nang hindi dumadaan sa sakit
Kaya't ngayon pa lang ay humihilingBabagsak ako
Hindi sa lupa kundi sa ilalim nito
Kung kamay ay nais hawakan upang hilahin pataas ay huwag nang subukan pa
Sapagkat ninais kong mawala sa mundo ay malibing sa ilalim ng lupaNais nang magpahinga
Naninikip ang dibdib
Bakit kinakailangang ilayo ako sa bagay na nakasanayan ko na?Gaano ka hindi patas ang mundo?
Inilalayo nito sa 'yo ang pangarap mo—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...