Hindi alam ng puso kung malulungkot o matutuwa
'Di batid kung lalayo o magmamakaawa
Dadaanin sa iyak ang namumuong pagkawala ng pag-asa
O patuloy ibubulong sa hangin ang mga katagang "kung maibabalik pa ba?"Hindi alam ng puso kung malulungkot o matutuwa
Kapag ba nagbilang ng hakbang paatras at aabante ka?
Hindi ba tuluyang tatalikod para sumunod sa kanya?
Sinasambit mo pa rin ba
Aking pangalan habang tulog ka?Hindi alam ng puso kung malulungkot o matutuwa
Paano kapag nalaman mong para sa 'yo itong mga salita?
Kapag ba inamin ay tatahan na?
Ang nararamdamang umaagos ngunit hinarang na ng naudlot na pag-asa?Nais kong matuwa
Pilit inaayawan ang lungkot
Pangarap ko'y maisayaw ka
Sa ilalim ng mayabong na puno
At siyang puting bestida ang isusuot—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...