Titig

13 0 0
                                    

Ilang titig pa ba ang nanakawin, oh crushie ko?
Ilang liham pa ba ang kinakailangang isulat upang mapansin mo
Na ang lahat ng hinabing salitang ito ay para sa 'yo?
Kung hindi ako ang gusto
Bakit nahuhuli ang madalas na pagtitig sa direksiyon ko?

Ilang nakaw tingin pa ba ang uulit-ulitin, oh crushie ko?
Kung napapagod ka'y ganoon din naman ako!
Sa dami ng platong iniisip ay dumagdag ka pa sa sakit ng ulo
Pakiusap sabihin na lamang kung sino ang gusto
Upang maiwasan ka't makahanap ng panibago

Ilang titig pa ba ang nanakawin, oh crushie ko?
Paano ko kaya nagawang memoryahin ang boses mo?
Paanong nasanay akong masagi at hindi nagugulat sa tuwing nagkakadikit tayo?
Gayung sa iba ay halos ayaw kong malapitan ako


—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon