Ang sarap sigurong umiyak sa taong alam mong papakinggan ka
Alam mo na walang masamang sasabihin at titignan ka lang sa mga mata
Na para bang nahuhulaan niyang iyon lang ang bagay na gusto mo
Ang pakinggan sa kabila ng maraming mga pagdududaAng sarap sigurong sumandal sa balikat na alam mong hindi biglang tatayo
Na imbis hawiin ang ulo mo ay tatapikin ito nang marahan
Hahalikan ka sa noo't kakantahan nang dahan-dahanSa bawat kumpas ng gitara ay taimtim kang makikinig
Kakantahin niya ang paborito mong kanta at babalutin ka sa init ng kanyang bosesIyong taong alam na hindi na kailangang magsalita sa tuwing nagkukuwento ka
Na ang pakikinig lang ay sapat naNgunit kung humihiling kang maging tamang tao siya
Ay maging tamang tao ka muna sa kanya—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoesiaMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...