Hindi ikaw ang tipo
Ngunit ang iyong presensiya'y hinahanap ng aking mga mata
Lahat ng nais ko'y wala sa 'yo
Pero bakit nais kang gawan ng istorya?Kung saan gagawa ako ng mundo
Kung saan tayo lang ang naroon
Iikot ang istorya sa ating dalawa hanggang sa walang katapusang panahon
Nais kang maging bahagi ng kuwento
Maging pinaka importanteng karakter
Wala nang iba pang nais maging lakan
Kung hindi ikaw, ay huwag nalangHindi batid kung ano ang nangyayari
Hindi ikaw ang tipo
Wala sa 'yo ang lahat ng nais kong makita
Ngunit bakit sa tuwing lumilingun ay takot na magtagpo ang mga mata?
Sa tuwing tinatawag ako ay paglingun ay iiwas kaHindi ikaw ang tipo
Ngunit sa akin ay ipaintindi
Bakit sa lahat ay sa akin lang umiiwas?
Hindi makausap nang matino
Kung ang lahat ng ito'y sasabihin sa 'yo ay papakinggan ba ako?—sane.

BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...