Uupo nalang at makikinig ng mga kanta
Karamihan ay nagpapaalala sa akin tungkol sa kanya
Mula sa liriko hanggang sa bawat kumpas ng melodya
Ikinukuwento nito sa akin ang lahat ng nagdaang mga alaalaUupo nalang at magbabaliktanaw sa nakaraan
Kung kailan hihintayin matapos ang pasok sa umaga upang abangan ka sa tapat ng hagdan
Sa layo ng silid ay iyon nalang ang tanging puwesto kung saan ka maaaring makita
Puwesto kung saan hindi ako masyadong mahahalataIsang tanaw mo lamang ay kaagad titingin sa ibang direksiyon
Magkukunwaring nakikipag-usap
O 'di kaya'y aalis nalangUupo nalang
Aalahanin siya
Sa bawat patak ng minuto ay hinihiling na makalimutan na sana—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...