Unti-unti nang naglalaho
Unti-unti na itong nawawala
Hindi ko alam kung bakit ngunit ang kahapong sabik na puso ay hindi na masayaSiguro ay napagod?
Sinta, hindi ko alam!
Ngunit ang aking pagtingin sa ginoong ito ay unti-unti nang namamaalamSiguro ay napapagod din ang minsan ay kinayang gawin ang lahat
May posibilidad palang mawala ang paghangang kailanman ay hindi naging sapatSiguro ay napagtanto ng puso na ang pag-asa'y malabo nang makita
Siguro ay hindi talaga itinadhana ang langit sa lupa—sane
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...