Hindi ko alam kung dapat ba na ngumiti o tumawa
Nang muling magkasalubong ang ating mga tingin ay para akong malulula sa lalim ng iyong mga mata
Sisisirin ko ba?
Ano ang mayroon kung sakali?
Sa takot na mahalata'y ako ang siyang naunang bumawiNg tingin sa isang misteryusong ginoo
Na ang mga galaw ay prinsipe ang isinisimbolo
Hindi ko alam pero imbis na mawala ay tila lalo lamang nahulog sa bitag!
Ang kislap ng iyong mga mata'y hindi nakakapanatagAnong mayroon?
Gaano karami ang wala sa akin na mayroon sa kanya?
Ilang pulgada pa ba ang kailangan kong atrasan para lang maisipan mong igalaw man lang ang mga paaKung sakaling ako ay mahuhulog sa bangin
At sa ilalim ay ang pag-ibig mo
Ay malugod kong tatanggapin ang aking tadhana
Kung ang ibig sabihin no'n ay pagiging iyo—sane
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...