Umalis tayo

11 0 0
                                    

Hawakan ang aking kamay
Dadalhin kita sa mundo kung saan tayo lang ang naroon
Mga bagay na pinangakong pinaglumaan ng panahon

Sasabay ka ba?
Papayag ba kung aayain?
Kung tatakas ako ay sasama ka ba sa 'kin?

Kung naiinip ay bakit hindi maglakbay kasama ako?
Kung sasabihin sa 'yong nais kitang ilayo sa mundo
Ay pahihintulutan ba ako?

Umalis tayo sa lugar kung saan hindi tayo hinahayaang maging masaya
Umalis tayo nang walang nakakaalam
Sapagkat sa ganoong paraan ay hindi nila malalaman




—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon