Hanggang titig nalang ba?
Wala bang balak na kausapin ako?
Bakit sa tuwing nakaupo sa gilid ay malimit ang pagnakaw ng tingin sa direksiyon ko?
Nasa akin ba talaga ang tingin o sa babaeng nasa likod ko?
Titig
Patay malisya
Sapagkat kung papatulan ay iisiping tatanga-tanga
Pakiusap ay dumestansiya
At baka hindi kita matansiya
Ayaw kong isipin na importante lamang ako sa tuwing hindi nahahanap ng mga mata mo ang titig niya
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...