Sa pagpikit ng mga mata
Sa bawat kumpas ng kanta
Hampas ng alon sa dagat ay naaalala ka
Batid sana kung gaanong kumikislap ang iyong presensiya sa gitna ng madla
Ikaw ang puting rosas na pinalilibutan ng mga pula
Sinta, ikaw ay kakaibaSa bawat hakbang na ginagawa
Sa tuwing nagkakasalubong o nagkakasabay
Pansin mo ba ang tingin na ninanakaw?
O ang sulyap sa tuwing nakaupo ka sa upuan at ako'y nasa dulo?
Kakaiba ka
Hindi makita sa iba
Ang mga bituin na nakikita
Sa iyong mga mata
O titig sa tuwing nahuhuli kita
Kakaiba, talagang kakaibaHindi ka maikukumpara
Ikaw ang premyo sa larong dadayain ko
Kung ang kapalit ay makasama ka nang kahit ilang minuto
Hindi na hihiling nang higit pa
Pagkat sino lamang nga ako, hindi ba?
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...