Sa dami ng babaeng nakapaligid sa iyo ay nais kang layuan
Bakit ba ang hilig ni kupidong panain ako sa taong hindi naman ako magugustohan
Pilit iniisip na maraming mayroon sa 'yo na hindi ko gusto
Ngunit sa tuwing nagtatagpo ang mga tingin ay animo'y may musikang nasa memorya ko ang tonoSa dami ng mga babaeng nakapaligid sa 'yo ay pinipilit kang hindi gustohin
Pakiusap ay huminto sa pakikipagtitigan, kung iyong mamarapatinKung hindi ako ang gusto bakit madalas ang pagtatagpo ng mga mata?
Bakit sa tuwing hindi nakatingin ay nakatitig ka?
Ang akala siguro'y hindi ko nakikita
Ngunit kung ilusyon ko lamang ito'y bakit iba ang titig?Bakit hindi na lamang deretsong sabihin na may ibang binibini nang iniibig?
Bakit kinakailangang bigyan ako ng rason upang manatili sa pagkapit sa tali?
Hindi ka ba napapagod?
O hinihingal sa pagtakbo sa aking isip?Sa dami ng mga babaeng nakapaligid sa 'yo ay nais kang ayawan
Sapagkat kung ikaw ang lalaking madaling lingkisan ng babae ay bakit kita pagtitiisan?—sane.
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoezjaMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...