Ang pinag-aalayan ko po ng lahat ng ito ay totoong tao at nag-e-exist sa totoong buhay. May tatlong character dito.
Napagpasyahan ko nang huwag banggitin ang apelyido nila dahil ayokong may maghanap. Isinulat ko po ang mga ito hindi para gambalain sila.
Salamat sa mga nagbasa ng mga isinulat ko para sa isang lalaking nakakuha ng aking atensiyon. Hindi lahat ay basi sa reyalidad, inspired lamang ang iba sa kung ano ang totoong nangyari.
Opo, pareho silang volleyball player at team captain din. Ako? Taga-sigaw lang sa gilid kagaya ng binanggit ko rito. Lugi nga, e pero ayos lang.
Ang paghanga ay hindi nangangailangan ng sukli
Tandaan lang na huwag masyadong ilaan sa iba ang pagmamahal na dapat ay para sa iyong sarili—sane
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...