Umuulan na naman
Kung nasa labas ka'y may dala bang payong?
Sa bawat patak ng luha mula sa langit ay para itong simbolo ng pagdaong
Animo'y unang araw nang malaman ko ang iyong pangalan
At unang pagkakataon nang ika'y masilayanNgunit hindi na tayo kagaya ng dati
Umuulan ngunit hindi na nito maibabalik ang dating nangyariMayroong kalakasan ang bugso ng hangin
Nililipad ang mga natutuyong dahon
Ngunit kung ika'y nasa loob ng inyong palasyo ay hindi mo makikita ang nakikita ko ngayonUmuulan
Ngunit huminto na
Uulan pa kaya muli?
Kung sakali ay lalabas ka ba upang maligo kasama ako?—sane.
![](https://img.wattpad.com/cover/349114693-288-k726777.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Bukas Hindi Na Masakit
PoetryMga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli sa maraming mga larawan. Nagtapos na ito no'ng tuluyan nang naglaho ang aking nararamdaman para sa ka...