LOREN'S POV...
Kaka uwi lang namin ni Lito. Bungad sa amin yung mama at papa ko.
Naka simangot pa nga sila, hindi kasi ako umuwi eh."Saan kayo galing?" Tanong pa ni mama.
"Ah? Tita.. Ano po kasi." Sabi naman ni Lito.
"Sa kaklase ko po, may tinapos kaming project. Kaya sinundo nya ako." Sagot ko naman.
"Totoo ba yun Lito?" Tanong naman ni papa.
"Hah? Opo, opo dun nga po." Sabi naman ni Lito.
Habang naka hawak sa kamay ko. Naka tingin naman sila sa kamay mga kamay ko.
Medyo bumitaw naman ako, para hindi kami mahalatang dalawa."May dapat ba kaming malaman?" Tanong naman ni mama.
"Po?" Sabay naming sabi ni Lito.
Ramdam ko rin sa kanya na kabado rin sya. Mga kabado kaming dalawa, hindi kasi namin alam paano namin sasabihin.
"Kako, may sasabihin ba kayong dalawa?" Tanong naman ni mama.
"Nako naman ma, wag mo muna takutin yung dalawa." Sabi naman ni papa.
Naka hinga naman ako ng malalim, dahil sa sinabi nya.
"Sige sige, mag pahinga na kayo." Sabi naman ni mama.
"Opo mama at papa." Sabi ko naman.
"Salamat po tito at tita." Sambit din naman ni Lito.
Papunta na sana kami ng itaas. Nang biglang muling nag salita si mama.
"Kung sa iisang kwarto kayo wag na wag kayong mag tatabi. Loren dalaga ka na, at binata na yan si Lito." Sambit naman ni mama.
Tumango naman kaming dalawa kay mama. Sabay naman kaming umakyat sa itaas.
Pagka pasok naman namin sa kwarto ko. Tyaka ako naka hinga ng malalim. At ni lock ko naman yung pinto.
"Paano ba yan, mag tatabi ba tayo?" Tanong naman nya sa akin.
"Syempre naman mag tatabi tayo, yaan natin sila. Nag mamahalan naman tayo eh." Sabi ko naman sa kanya.
Yumakap naman sya sa akin, tyaka nya hinalikan yung buhok ko.
"Mag hihintay ako, mag hihintay ako kung kelan mo ako ipapakilala bilang boyfriend mo." Sambit naman nya sa akin.
"Hintayin mo yung panahon na yun ha? Wag kang bibitaw sa relasyon natin ha?" Sambit ko naman sa kanya.
"Oo naman, hindi ako bibitaw. Mag hihintay at mag hihintay ako." Sambit naman nya sa akin.
"Pag tungtong ko ng eighteen or nineteen. Sasabihin natin sa kanila na tayo na." Sabi ko naman sa kanya.
"Talaga? Gagawin natin yun? Sasabihin natin yun?" Tanong naman nya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya, tyaka ko hinawakan ng maigi yung mga kamay nyang naka yakap sa akin.
"opo naman, kaya mag ready ka pa rin po ha?" Sabi ko naman sa kanya.
"Oo naman, syempre naman. Pahinga na nga muna tayo." Sabi naman nya sa akin.
Tyaka nya ako hinila sa kama. Iniisip ko yung mga pros and cons sa gagawin namin.
Tumitig naman ako sa kanya, at tumitig din naman sya sa akin."Mahal na mahal kita, noon pa man. Kaya gagawin ko rin ang lahat. Ipag laban lang kita, at mapa sa akin ka lang." Sambit ko naman sa kanya. Habang naluluha ako.
"Shh, wag ka na umiyak. Ginusto din naman natin ito diba? Ipag lalaban din kita." Sambit naman nya sa akin.
Tyaka nya hinahawi yung mga luha ko. At yumakap naman sya sa akin.
Pinikit ko na rin ang mga mata ko, para makapag pahinga na ako."I love you ga." Sambit ko naman sa kanya.
"I love you too, very much. Tulog na muna tayo, para mamaya pagka gising kakain naman tayo." Sabi naman nya sa akin.
Tyaka humalik sya sa noo ko. Pumikit na lang ako lalo, at hinawakan ko yung mga kamay nya.
Ramdam ko rin naman na naka yakap sya sa akin.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagising naman ako na wala sa tabi ko si Lito. Naririnig ko naman na may mga maiingay sa labas ng kwarto ko.
"Lito?" Sabi ko naman, para hindi halatang kami na.
"Si manang gising na ata." Sabi naman ni AA sa labas.
"Gising na ang prinsesa." Sabi naman ni Gary.
Natatawa naman ako sa kanila, mga loko lokong mga bata.
"Hoyy! Naririnig ko kayo ha." Sabi ko naman sa kanila.
Habang tumatawa na rin sila, dahil rinig din nila yung mahinhin kong tawa.
"Hahahahah! Sorry na po Manang." Sabay na sabi naman ng mga kapatid ko.
Si AA wala pang teen ager, si Gary naman nasa eleven years old na.
"Halika na nga kayo dito." Sabi ko naman.
"Ayaw ikaw ang lumabas dyan." Sabi pa ni AA.
"Oo na oo na, lalabas na ako." Sabi ko naman.
Tyaka ako tumayo, at lumabas na ng kwarto ko.
Nagulat naman ako na naka bungad yung dalawang kapatid ko at yung jowa ko."Ganda ng likod ko manang." Sabi pa ni Gary.
"Mga bata, bumaba na kayo dito at kakain na tayo." Sabi naman ni mama.
"Bumaba na kayong apat." Sabi pa ni papa.
Nag takbuhan naman kaming apat, katulad pa rin kami ng dati. Pero tatlo lang kami nun. Kasi wala pa si AA nun.
"Paunahan na lang oh." Sabi ko naman.
Habang bumababa ng hagdan, ganun din mga kapatid ko. At lalo naman kaming nag tatawanan.
"Hahahaha Ayan na kami." Sabi naman ni Lito.
"Teka hintayin nyo ako." Sabi pa ni AA.
"Ang bagal mo talaga." Sabi pa ni Gary.
"Ang cute ng mga bata ma." Sabi pa ni papa.
"Oo nga pa eh, ang cute nila. Parang bumalik sila sa dati." Sabi naman ni mama.
Nagsi upo naman kaming apat, at nag lalambingan pa sila mama at papa.
Nakaka loka sila pala yung nag lalambingan."Sundan pa kaya natin si AA?" Tanong naman papa.
"Kung pwede naman." Sabi pa ni mama.
"Akala ko po ba, kakain lang? Doon na nga kayo sa kwarto nyo." Sabi ko naman sa kanila.
Nag tawanan naman silang lahat sa sinabi ko. Kasi eh, sila mama at papa nag haharutan pa. Pero kung bibigyan nila ako ng kapatid sana babae na. Ang hirap kausapin nitong mga kapatid kong lalaki.
Nag sandok na lang kami ng mga pagkain namin.
At mag kanya kanya na lang din kami ng kain.Samantalang yung mama at papa namin, ayun nakuha pang mag harutan.
....>>> TC ..
AYAN HA, JUSKO PO NAMAN.. ANG MGA GRANNIES PALA ANG NAG HAHARUTAN. BOUNCE NA KAYO PARENTS...

YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.