AA'S POV...
Lumabas muna saglit yung bayaw ko. Nakaka awa naman sya. Dahil sa mga ginawa ng manang ko.
"Ading ko." Sabi pa ni Manang sa akin.
Hindi ko siya matitigan, ewan ko ba. Basta hindi ko sya masyadong tinititigan at kinakausap.
"Oh?" Tanong ko naman.
"Mag usap naman tayo oh." Sabi pa nya sa akin.
"Manang? Kausap mo na ako diba?" Sabi ko naman sa kanya.
"I'm sorry." Sabi naman nya sa akin.
Yumuko na lang ako, para lalo ko syang maiwasan ng tingin.
"Paulit ulit, and siguraduhin mo lang na anak ng bayaw ko yan." Sabi ko naman sa kanya.
Kahit na alam naming lahat na hindi sigurado ang pag bubuntis nya.
Dahil ino observe pa yung cycle. Halos kalahating linggo na kami dito.
Wala pa ring resulta sa pregnancy nya.
"Oo nga, sya lang naman huli naka ano ko eh." Sagot naman nya sa akin.
Umikot pa ako ng mga mata ko.
"Nakita ko yun ha." Sabi pa ni Gary.
"Bakit ba." Sabi ko naman.
"Ang sungit mo." Sabi pa nya sa akin.
"Pag bunso masungit." Sabi pa ni Manang. Na pinipigilan ko na lang yung pag tawa ko.
"Bakit pag panganay maliit." Sabi ko naman.
"Hala sya?" Sabi pa ni Manang.
"Oo nga, bakit kami matangkad. Tapos ikaw ano, siguro nung umulan ng katangkaran, tulog ka. " Sabi ko naman.
Pero hindi ko alam kung ibang meaning sa kanila yun.
"Aray, ang sakit mo na mag salita ha." Sabi pa ni Manang.
"Bakit ano bang masakit doon? Na offend ba ako nung sinabihan mo akong masungit. Hindi naman diba." Sambit ko naman sa kanya.
"Eh kasi, personalan naman na eh." Sabi pa ni Manang.
"Wow, kelangan pag kami ok lang. Tapos pag ikaw masasaktan ka. Hindi nga kami nag salita nung may ginagawa kang kalokohan eh." Sagot ko naman.
"AA Tama na, baka parehas pa kayong ma stress ni Manang." Sabi pa ni Gary.
"Ok lang, naiintindihan ko naman mga nararamdaman nyo eh." Sabi pa ni Manang.
"Eh ikaw kaya AA, kelan mo maiintindihan si manang?" Tanong pa ni Gary.
"Maiintindihan? Anong klaseng tanong yan." Sabi ko naman.
"Oo intindihin mo naman si Manang." Sabi pa ni Gary.
Tumingin pa ako kay manang, oo hindi ko talaga sya matiis.
Pero syempre nag tatampo at galit pa ako sa kanya.
"Manang?" Sabi ko naman.
Tyaka lumapit ako sa kanya. Agad pa nya akong niyakap.
"I'm sorry, I'm sorry kung pati kayong mga kapatid ko nadamay." Sabi pa nya sa akin.
Habang umiiyak, walang kibo ko naman syang niyakap pa balik.
Naramdaman ko rin yung yakap sa amin ng isa pa naming kapatid.
"Shh, wag ka nang umiyak. Ang panget mo umiyak." Biro ko pa sa kanya.
Na ikina tawa naming tatlo.
"Ayan ka na naman mang aasar ka na naman." Sabi pa ni manang.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanficFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
