LOREN'S POV..
I know how it hurts and struggle is. Pero para sa pamilya ko, gagawin ko lahat. Lalo na sa asawa ko.
"Anong pagkain?" Tanong pa ng asawa ko.
"Hmm? I cook sinigang, then may okra yun I know Luna loves it, then for Lorein is yung ginisang ampalaya." sagot ko naman.
Napa kunot pa ng noo yung asawa ko.
Hindi ko sya ma gets. Pero syempre ipag hahain ko na lang silang ng pagkain.
"Ah ok, sige. pakainin mo na mga bata. May mga pasyente ako sa Maynila eh. And baka ilipat ko sila mamaya." Sambit naman ng asawa ko.
Hindi ko alam kung normal pa ba na utusan nya ako. Na parang yaya lang ako dito.
Baka ito yung parusa ko sa kanya.
"Hindi ka ba dito kakain?" tanong ko naman sa kanya.
"Tabi mo na lang, mamaya titikman ko." Sabi pa ng asawa ko.
Medyo na dismaya naman ako sa sinabi nya sa akin.
"Nako Loren, baka busy lang asawa mo. Chill ka lang self, uuwi din sya mamaya." Bulong ko pa sa sarili ko.
"Ay? ano nga ba yung niluto mo?" tanong pa nya sa akin.
"Ah? sinigang at ginisang ampalaya, bakit? Mag babaon ka?" Tanong ko naman.
"Hah? oo sana, kasi papa tikim ko sa mga kasamahan ko sa hospital." Sambit naman ng asawa ko.
"Ikaw hindi ka kakain?" Tanong ko naman.
"Oo na nga, kakain na. Paulit ulit ka kasi eh." Sabi naman nya.
Tyaka sya bumalik sa akin. Para magpa sandok ng kanin at ulam.
"O-ok sige, umupo ka na dyaan. Ako na mag sasandok." Sabi ko naman. Medyo tulala pa ako sa kanya na nag sasandok. Hindi ko naman napansin na napatakan ng kanin yung isang kamay ko. "Aray!" Sabi ko naman.
"Anong nangyari!?" Tanong pa nya. Tyaka sya sa akin lumapit.
"Hah? Wala ito, paso lang yan. Huhugasan ko lang yan." Sabi ko naman.
Tyaka ko tinago yung isang kamay ko.
"Patingin nga ako, baka mamaya malaki yang napaso sa'yo." Sabi pa ng asawa ko.
Halos buong kamay ko kasi yung nalagyan ng kanin. Kaka inin lang nun. Kaya super init nya talaga.
"Hindi ok na." Sabi ko naman. Medyo nahihiya pa ako sa kanya. Dahil sa katangahan ko ngayon.
"Akin na sabi eh." Sabi pa nya sa akin. Tyaka hinila yung kaliwang kamay ko. "Ayan na nga ba eh, sa susunod kasi tumingin ka sa ginagawa mo." Sabi pa nya sa akin. At nasermunan pa nga ako ng asawa ko.
"Hah? Oo sorry, kasi may iniisip lang ako." Sabi ko na lang sa kanya.
"Ayan ka na naman si may iniisip. Tigilan mo na yan Loren. Nakaka sawa lang yung mga ganyan." Sabi pa nya sa akin.
Habang ginagamot nya yung paso ko. Medyo diniinan pa nya.
"Aray ko, dahan dahan naman. Ang sakit sakit na nga eh." Sabi ko naman sa kanya.
Pero double meaning yun. Masakit kasi nadiinan nya paso ko. At the same time, dahil parang pinahihirapan na nila ako.
"Parang ikaw lang nasasaktan ha." Sabi pa nya sa akin.
"Bakit ka ganyan? Bakit mo ako pinahihirapan?" Tanong ko naman sa kanya.
"Hindi kita pinahihirapan, sadyang yan ang consequences mo." Sagot naman nya sa akin.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
