74. Hubby's Pain

29 1 2
                                        

LITO'S POV..































Nag liligpit naman na ako ng mga gamit namin ng mga bata.

"Daddy? Aalis po tayo?" tanong naman ni Ysa.

"Ah? opo, aalis po tayo." Sagot ko naman sa kanya.

Habang na luluha kong pag aayos ng mga gamit namin.

"Sasama po ba si mommy?" Tanong pa ni Lean.

Naaawa ako sa kanila, lalo na sa mga anak kong maka mommy nila.

"Ah? hindi mga anak, hindi na sasama si mommy. Kailangan nya kasing mag work eh. And nandito naman sila lolo at lola nyo eh." Sagot ko naman sa kanila.

Habang mas lalong tuluyang tumulo ang mga luha ko.
Sa bawat patak ng mga luha ko. Kasabay nito yung sakit at pighati ng mga nangyari.

"Daddy? Bakit ka po nag ka cry?" Tanong naman ni Luna.

"Hah? Kasi first time nating iiwan si mommy nyo." Sambit ko naman.

"Bakit po kailangan pa po tayong umalis?" Tanong naman ni Laz.

Hindi ko na alam anong mga isasagot ko sa mga anak ko.

"Sige na muna mga ading, mag ayos na muna kayo ng mga gamit. Baka may mga nakalimutan pa kayo sa mga rooms nyo." Sabi naman ni Mark.

"Sige po kuya." Sabay sabay naman nilang sabi.

Tyaka sila nagsi puntahan sa mga kwarto nila.

Saktong pumasok naman ang mga biyanan ko.

"Anak? sigurado ka na ba sa desisyon mo? Hindi mo na ba kakausapin muna ang asawa mo?" Tanong naman ni mama.

Lalo naman na akong umiyak. Nandun pa yung anak ko, alam kong ramdam nya din yung sakit na nararamdaman ko.

"Ma? Pa? Ayaw ko po munang makita ang anak nyo. Baka masaktan ko lang sya ng pisikal. At nasasaktan ako kapag nakikita ko sya. Para akong sinasaksak sa likod. Mas lalo nila akong pinapatay." Sambit ko naman kay mama.

Mas lalo naman akong humagulgol sa mga nasasabi ko.

"Anak? Baka pwedeng hintayin mo na muna si Loren." Sambit pa ni papa.

Tumingin naman ako sa mga litrato naming mag asawa.
Yung iba nasa ilalim pa kami ng sunset at sunrise.

"Pa please? Ayoko talaga po muna." Sabi ko naman kay papa.

"Osya sige, basta ang mga apo namin ha?" Sabi pa ni papa.

"Opo papa, opo mama ako pong bahala sa mga bata." Sabi ko naman sa kanila. "Alam nyo mahal na mahal na mahal ako si Loren. Higit pa sa buhay ko, kaya kong mamatay para sa kanya." sambit ko pa ulit sa kanila.

"Alam naman namin yun anak. Kilalang kilala ka namin, yung sinseridad mo sa anak namin ng asawa ko." Sabi naman ni mama.

"Nasan na ang mga bata?!" Sigaw naman ng asawa ko.

Nandito na sya, kasama pa nya yung kabit nya.

"At talagang ang kapal pa rin ng mukha nyang kabit mo?!" Singhal ko pa sa kanya.

"Loren naman? Bakit mo pa sinama yan anak?" Sambit naman ni mama.

"Bakit mo nagawa sa asawa at mga anak mo yun , anak? Bakit mo sya pinag taksilan?" Tanong pa ni papa.

"Ma? Pa? Hindi ito yung oras ng sermon nyo sa akin. Ang tanong ko nasan ang mga anak ko?" Tanong pa ng asawa ko.

Nagulat naman nya ng may mga security sa may labas ng kwarto naming mag asawa.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now