123. Discharged

12 1 2
                                        

After Three Days..
















































LOREN'S POV...






































Kaka uwi lang namin dito sa bahay, ang saya lang na mag kakasama kaming mag pamilya.

"Mommy, daddy." Bati pa ni Lean.

"Daddy!" sabay sabay na sabi nila Ysa, Luna, Laz at senyas pa ni Lorein. Si Mark din naman narinig yung mga kapatid nya kaya naki daddy na rin sya.

Hindi man lang nila ako pinansin.

Nandito ako oh, yung mommy nila.

"Mga anak ko, si mommy nyo nandito din." Sabi pa ng asawa ko.

"Po? Anong ginagawa nya po dito?" Tanong pa ni Mark.

"Dito na ulit sya titira." sagot naman ng asawa ko. At ang ganda pa ng ngiti nya.

"What!???" sabay sabay naman nilang tanong.

"Dito na ulit sya titira? Bakit naman daddy?" Tanong pa ni Ysa.

"Kami na ulit, hindi na ako iiwan ng mommy nyo." Sagot naman ng asawa ko.

"What!?? No!" sabi pa ni Luna.

Naka titig naman ng masama si Lorein.

"Yes, mommy nyo pa rin sya." sabi naman ng asawa ko.

"Halika na po ate and achi." sabi pa ni Lorein.

Habang hila hila nya yung mga ate nya.

"Mga anak? Saan kayo pupunta?" Tanong pa ng asawa ko.

"Sa kwarto lang po." sabi pa ni Luna. Tyaka tuluyang umalis.

Tumingin naman ako sa asawa ko, hindi ko na rin namalayan na bumagsak na rin ang mga luha ko.

"Shh, wag ka na umiyak." Sabi pa ng asawa ko sa akin.

"Bakit pa po kasi kayo dito umuwi po." Sabi pa ni Mark.

"Dahil mommy nyo pa rin sya." Sagot naman ng asawa ko.

"Opo mommy pa rin nga po namin po. Pero daddy, apat na taon na po nung iniwan nya kami. Mag lilimang taon na nga po eh." Sabi pa ni Mark.

Na tyaka ko lalong ikina luha. Alam ko kailanman hindi ko na ma pipihit ang panahon at araw na yun. Para mabago ko lang yung mga ginawa ko." Sabi ko naman sa kanila.

"Sana po nung una pa lang." Sabi pa ulit ni Mark.

"Anak? Mommy nyo pa rin sya ha." Sabi pa ng asawa ko.

"Maka sunod na nga lang po kela Luna." Sabi naman nya.

Pagka ikot nya ay natumba pa sya.
Inalalayan ko naman sya, at itinayo ko sya.

"Anak, samahan ka na namin." Sabi ko naman sa kanya.

"Hindi na po, bitaw na po." Sabi naman nya sa akin.

"Ay, sorry po." Sabi ko naman.

Tyaka ko sya dahan dahan na binibitawan.

"Pahinga na po muna po ako po." sabi pa ni Mark.

"Anak?" Sabi ko naman.

"Ano na naman?" Tanong pa nya sa akin.

"Yung tungkod mo." Sabi ko naman sa kanya.

"Akin na nga!" Saad pa nya sa akin.

"Kuya samahan na kita po." Sabi pa ni Laz.

"Thank you Lazie!" Sabi pa ni Mark.

Tyaka siya inalalayan ni Laz.

"Wait lang po mommy and daddy." sabi din ni Lean.
Tyaka tumabi sa kuya nila.

Lumapit pa sa akin yung asawa ko. Hinawakan pa nya beywang ko.

"Halika na muna, sundan natin." Bulong pa nya sa akin.

"paano kung ayaw nya?" Tanong ko naman.

"Hindi yan , halika na nga." Sabi pa nya sa akin.

"Sige na nga." Sabi ko naman.

Tyaka nya ako inaalalayan papunta sa kwarto Ng mga bata.
Rinig na rinig naman namin yung boses ng mga bata. Yung rants nila, yung sama ng loob, yung galit sa akin.

"babalik sya? Matapos yung five years? Tapos ano? Sasaktan nya ulit si daddy?" Sabi pa ni Luna.

"Subukan nyang saktan si daddy, hindi na sya makaka lapit sa inyo." Rinig ko ring sabi ni Ysa.

Sumilip pa kami sa kanila, nakikita ko rin na nag sa sign language din si Lorein, habang umiiyak silang tatlo nila Luna at Ysa.

"Achi, sana po maka pag salita ka na, and sana maka kita na rin si kuya Mark. Sana po gumaling na tayong lahat. Sana maka lakad na rin kami, at maayos na yung mga braso natin." Sambit pa ni Luna kay Lorein.

ngumiti naman si Lorein, at nag sign language pa na sana nga at thank you sa kanila.
Nag heart sign din sya, na ibig sabihin mahal nya mga kapatid nya.

"Mahal na mahal ka rin po namin achi po." Sambit pa ni Luna sa kanya.

"Mahal ka namin Lorein. kaya dapat malakas kayong mga ading ko." Sabi pa ni Ysa.

"Ang sakit lang ate." Sabi pa ni Luna.

"Babalik balik, tapos ang ending mang iiwan din." Sabi pa ni Ysa.

"Wag na po muna natin sya kausapin po. Ayaw ko pa po. Hindi ko pa po kaya." Sabi pa ni Luna.

"Halika na nga kayo." Sabi pa ni Ysa.

Kahit na mga hirap silang control yung wheelchairs nila.

Sumenyas na lang yung dalawa na I love you ate Ysa.
Hindi ko na mapigilan ang umiyak at halos sumalampak sa sahig.
Yung na lang yung tanging nagawa ko, habang inaalalayan ako ng asawa ko.



























































































































>>> TC...

😭🥺🥺☹️AYAN NA NGA PO ANG CONSEQUENCES ☹️☹️🥺🥺🥺😭😭 SABI KO PO EH, MAY MAG TATAKSIL NA NAMAN EH.
MALALAMAN NATIN ANONG GANAP PA NITONG FAM NA ITO.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now