Lito's POV...
Kararating lang namin dito sa Pampanga.
Sabi ni Loren staycation muna kami dito eh.
"We're here na langga." Sabi ko naman kay Loren.
"Oum, nakaka miss din dito ha." Sabi pa nya sa akin.
"Oo nga eh, ilang years din tayong hindi nagka sama dito." Sabi ko pa sa kanya.
"Oo nga eh, sa susunod na balik natin dito may mga anak na tayo." Sabi pa ni Loren.
Habang natatawa, ang cute nyang tumawa.
"Ang cute mo langga ko. Minions na tumatawa." Sabi ko naman.
"Ah? Ganun?" Sabi pa nya sa akin.
Tyaka nya ako kinikiliti, pero syempre strong ako hindi ako makikiliti pero marupok kay Loren.
"Nako naman langga. Hindi mo ako makikiliti." Sabi ko pa sa kanya.
"Ah talaga? Uwi na nga ako sa amin." Sabi pa nya.
Ang bilis ngayon mag iba ng moods nya.
Nakakapag taka na talaga.
Apaka moody ng asawa ko.
"Aysus naman ang moody naman ng misis ko." Sabi ko maman sabay yakap sa kanya.
"Hmm? Kasi eh, ikaw eh. Kulit kulit mo. Hindi ako moody ha? Baka kasi ano malapit na ako magkaroon." Sagot naman nya sa akin.
Oo naman mood swings nga naman.
"Talaga? Mabuti naman at magkakaroon ka na." Sabi ko naman.
Sana nga magkaroon na si Loren.
"Ga? Ang sakit ng puson ko." Sabi nya sa akin.
"Shh, warm compress mo na langga ko. And half bath ka na. Amoy araw ka na eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Ih! Sabay tayo, amoy araw ka na rin eh." Sabi pa nya sa akin.
Sabay halakhak ng malakas.
"Ga? Groggy ka ba?" Tanong ko naman.
Tumingin naman sya sa akin ng masama.
"Sa tingin mo nasinghot ako?" Saad pa nya sa akin.
"Sus naman, ayan ka na naman ang moody moody mo." Sabi ko naman sa kanya.
Napa isip tuloy ako, three to four days ago may nangyari sa amin.
Kagabi din bago kami umuwi at mag biyahe dito sa Pampanga may nangyari din sa amin.
"Eh kasi eh, ni aasar mo ako." sabi pa nya sa akin.
Napaisip pa ako lalo. Kung anong magandang option na gawin.
Baka kasi hindi sya pumayag na magpa check up kung buntis na ba sya.
Sasabihin lang naman fated ang results kasi four days pa lang naka lilipas.
"Hindi kita ni aasar po. Hmm? Ga? Kasi kanina diba sa stop over? May binili kasi ako na kailangan mo eh." Sabi ko naman.
"Ano naman ang kailangan ko?" Tanong nya pa sa akin.
"Ga? No offense ha? Try mo kaya mag pregnancy test?" Saad ko pa sa kanya.
"Akala ko ba?" tanong pa nya sa akin.
"Please? Do this na langga, for the sake of your health. Nag aalangan na ako sa mga moods mo eh." Sabi ko naman agad sa kanya.
"Osya sige, akin na nga." Sabi pa nya sa akin.
"Ito langga oh." Sabi ko naman.
Sabay abot ng kit sa kanya.
Kinuha naman nya sa akin ito ng walang pag da- dalawang isip.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
