140. Last Night And Day.

11 1 0
                                        

LITO'S POV...


































































Last night na ni Doctora dito, mas lalong emotional ni bayaw.

"Huling gabi mo na hon, sana hindi totoo ito." Sabi naman ni AA.

"Bayaw, for sure nandito sya oh." Sabi ko naman sa sabay turo sa dibdib nya.

"Sana pati physically nandito sya." Sabi naman nya sa akin.

"Sana nga eh, alam mo mabait yan si Gail. Noon nga na wala pa syang nobyo. Kung saan saan ng hahanap ng soulmate. Sabi ko nga lang wag na wag syang mag ba bar. Lalo na sa mga bar na may mga bastos na kalalakihan." Sambit ko naman sa kanya.

"Kaya nga eh, nai- kwento nya din sa akin." Sabi naman ni AA.

"AA? I'm so sorry of what happened to Gail. Ako na hihingi ng dispensa sa mga nagawa ng asawa ko." Sambit ko naman sa kanya.

"Wala yun, hindi mo kailangan mag sorry. Mapapatawad ko lang si manang kung..." Sagot naman nya sa akin. Naputol pa yung huling sasabihin nya.

Dahil namumuo na naman yung mga luha nya.

"Ano yun bayaw?" tanong ko naman.

"Kung bubuhayin nya sila Gail. Kung mababalik nya yung panahong dinadala ni Gail si baby AG." Sabi pa nya sa akin.

Naiinitindihan ko sya, kasi ganun din nararamdaman ko eh. Ilang beses kaming nawalan ng anak ng asawa ko. May mga panahon na nasisi ko sya. Dahil sya hindi nya naalagaan ang sarili nya.

"Shh, naiinitindihan ko bayaw. Ang sakit talaga ng ganung pangyayari." Sabi ko naman sa kanya.

"Sana nga buhay pa sila eh. Sana inaalagaan ko sila ngayon." Sambit pa nya sa akin.

Maya maya pa lumapit sa amin si doctora Rhea.

"I'm doctora Rhea, ako yung friend ni Gail, ako din yung naging OB nya." Pakilala naman nya kay AA.

"Hello doctora, so ikaw po ang OB nya?" Tanong naman ni AA.

"Opo sir, kaso late na rin namin nalaman. Tapos nung nag pa check up sya sa akin. Yun na rin yung huling kita namin." Sabi naman ni Rhea.

"Ganun, bakit mo naman hindi pinigilan." Sabi naman ni AA.

"Nag mamadali sya nun eh. Binibiro pa nya ako na baka hindi na kami mag kita. Tapos ito mababalitaan ko. Wala na sya, sana nga pinigilan ko sya eh." Sabi naman ni Doctora Rhea.

"Shh, not your fault naman." Sabi pa ni AA.

"I'm sorry sir." Sabi pa ni Rhea.

Hindi ko naman maiwasan na ipair silang dalawa. Pero alam kong mahal na mahal ni AA si Gail.

"Ok lang, sige na silipin mo na si Gail." Sabi naman ni AA.

Habang naluluha na naman. Hindi ko naman siya ma pipigilan dahil yun yung nararamdaman nya eh.

"Halika na dito bayaw." Sabi ko naman.

"Hindi pa ako ready." Sabi pa ni AA.

"Mamaya mag sasalita na isa isa. Hindi ka ba mag sasalita?" Tanong ko naman sa kanya.

"Hindi ko alam eh, marami akong gustong sabihin sa kanya." Sabi naman ni AA.

Habang naka titig sa screen, nandun yung mga memories nilang mag nobyo.

"Tignan mo yung picture na yun. Ako kumuha nun eh. Ang sweet nyo doon, parang first anniversary nyo ata yun." Sabi ko naman sa kanya.

"Oo bayaw, sinurprise ko sya nun eh. Kasi super excited ako nun. Nakaranas ako ng anniversary, nakaranas ako ng may partner." Sambit naman ni AA.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now