65. He's Back X Pain

27 1 1
                                        

After Two Weeks.



















LITO'S POV...





















Ok naman na ako kahit papaano. Kaso yung asawa ko ayaw man lang ako palabasin.

Ewan ko ba doon, sabi nya sya muna mag wo work.

"Ga? Hindi pa ba ako pwede lumabas?" tanong ko naman.

"Ano ba? Ang kulit mo naman." Sabi pa nya sa akin.

Bakit ganun, simula nung naging ok na ako. Lagi na lang syang galit sa akin. Laging mainit ang ulo nya sa akin.

Ano bang nagawa ko, para ganitohin nya ako.

"S-sorry ga, nag aalangan lang kasi ako eh." Sabi ko naman sa kanya.

Kasi baka mamaya buntis na pala sya.
May nangyari kasi sa amin nung bago ako ma aksidente eh.

"Ok lang ga, dala lang din ng stress ito." sabi pa nya sa akin.

Hinihintay ko naman na may sabihin sya.
Maging ang mga bata tikom eh. Hindi ko maintindihan.
Siguro may nangyari sa amin nung napagkamalan ko syang, siya si nanay.

"Sorry ga, wag na ikaw magalit." Sabi ko naman.

"Shh, hindi na ako galit. Sorry talaga, hindi ko rin ga maintindihan sarili ko eh." Sambit pa nya sa akin.

"May nararamdaman ka ba? Anong masakit ba?" Tanong ko naman sa kanya.

"Alam mo? ang kulit mo, tapos ang baho mo pa. Naligo ka ba?" Saad nya pa sa akin. Mukhang nag iba na naman mood nya.

"Aysus naman, naligo na ako ga. Nag papa lambing ka naman." Sabi naman nya sa akin.

Habang humahalik halik sa kanya.

"Hm~ ano ba?" sabi naman nya.

"Sundan natin sila Luna at Laz?" Sambit ko naman.

"Ano ba? Ayoko, maligo ka nga at ayoko nga diba?" Sabi naman nya.

Dati rati kapag nagka kayayaan kami. Gusto nya agad.
Ano ba nangyayari sa asawa ko.

'Ga? What happened to you ba?' Sabi ko naman sa isipan ko habang naka titig sa kanya.

"I'm sorry, ga? Sige na kung may gagawin ka pa. Or kung kailangan mo ng space. Sige pag bibigyan kita." Sabi ko naman sa kanya .

Hindi ko naman alam anong dahilan nya, bakit nya ako nilalayuan.

"Lito, sa totoo lang. Napa- pagod na ako. Napa pagod ako sa lahat. Hindi ko alam kung bakit. May mga panahon na ayaw ko na sa'yo. Hindi mo naman ako pinag taksilan noon eh. Pero hindi ko alam kung bakit nauubos na yung pag mamahal ko sa'yo." Sabi naman nya sa akin.

Habang umiiyak na, hindi ko alam anong gagawin ko. Dahil sa parang nag stop yung mundo. Parang wala akong naririnig kundi ang asawa ko lang.

"Sabihin mo nga sa akin? May iba ka na ba? Hindi na ba ako ang mahal?!" Saad ko pa sa kanya.

Habang hawak ko ng mahigpit mga balikat nya.

"Aray ko! Ano ba nasasaktan ako. Hindi sa ganun, asawa pa rin kita, at asawa mo pa rin ako." Sabi pa nya sa akin.

"Sa oras na malaman ko Loren na ginagago mo ako. Hindi mo alam anong kaya kong gawin." Sambit ko naman sa kanya.

"Maniwala ka wala akong iba. Ikaw lang ang gusto ko. Gusto ko lang ng space. Langga please? I'm sorry, I didn't mean it to hurt you. I really really love you. Ikaw pa rin at ikaw lang diba? My Love Under the Sunset, and even the sunrise." Sambit pa nya sa akin.

Naging marupok ako doon ha, mahal na mahal ko sya eh. Ako din alam kong mahal na mahal nya ako.

"I love you, I'm sorry kung nag hinala ako. Gagamutin ko yang mga balikat mo." sabi ko naman.

Habanag bumabalik halik sa magka bilaan nyang balikat.

"Ok lang ga, ako and dapat mag sor--.. Hmm~ ry.." Sabi naman nya. Na parang naduduwal.

"A-anong n-nangyari? ok ka lang ba?" Tanong ko naman.

"Naduduwal ako, wait sorry ga." sabi naman nya.

Napa ngiti naman ako, baka buntis na sya.

"Sige lang ga, baka may nakain ka hindi kaya?" Tanong ko naman.

"Baka nga." rinig kong sabi nya mula sa cr.

"Bukas magpa check ka sa OB mo ha?" Sabi ko naman.

"O-ob?" Tanong naman nya habang papalabas ng cr.

Ngumiti pa ako sa kanya, na parang nag papahiwatig na baka buntis na nga sya.

"Oo OB- Gyne." sagot ko naman.

"S-sige, pero bakit tayo mag pupunta doon?" Tanong pa nya sa akin. At sagot nya din sa akin.

"Hmm? Basta langga ko." Sabi ko naman.

"s-sige." sabi naman nya.

Yumakap pa sya sa akin. Na parang naiiyak pa sya. Nararamdaman kong basa yung likod ko.

Maging ako naiiyak na rin eh. Hindi ko alam kung bakit. Parang may ibang nangyari pa nung na comatose ako.

Pero deadma na lang ako. Baka kung ano lang ito. Baka ano lang epekto ng pagkaka aksidente ko.

Hays self, mahal ka ng asawa mo ok? Mahal na mahal na mahal ka ng buong pamilya mo.
















































































































>>> TC..

AYAN NA NGA PAPI, BAKA HINDI SA'YO YANG LAMAN NA YAN. YARI NA TALAGAAAA🥺☹️☹️😭😭
BUKAS ULIT HEHEHE. MAY MGA REVELATIONS PA TAYO MGA ATEKOEEE.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now