LOREN'S POV...
Kasama ko naman mga anak ko ngayon.
Mga nag wawalwalan pa sila sa may likod bahay.
"Mommy? Hindi mo na ba iiwan daddy namin?" Tanong pa ni Ysa.
"Kaya po mommy, hindi mo na ba kami iiwan? Tapos kanina po si ate Hannah yung kasama mo." Sabi pa ni Luna.
"Hindi ko na kayo iiwanan. Si ate Hannah nyo kasi anak. Naki upo lang doon dahil kumuha sya ng hamon." Sambit ko naman sa kanila.
"Eh kasi, porket mga hindi kami maka tayo. Iiwan mo kami, tapos sila asikasuhin mo." Sagot naman ni Luna.
"Aysus ang mga baby ko, nag je jelly po kayo?" Tanong ko naman sa kanila.
"Opo, kasi lagi na lang po ibang tao iniisip mo po. Paano naman kami?" Sagot pa ni Luna.
I feel bad for them, ganun na ba ako kasama.
"Tapos sila Marco at ninong lang lagi mong iniintindi. Tapos si Luis parang deadma ka." Sambit din ni Ysa.
"Sorry mga anak, I didn't mean it to hurt all of you. I know someday you will understand what situation do I have. Maiinitindihan nyo soon pag kayo na yung sa ganitong situations." Sambit ko naman sa kanila.
"In the future mommy ayaw namin matulad sa'yo. Lalo na sila Luna at Lorein. Ayaw kong matulad sila sa'yo!" Saad pa sa akin ni Ysa.
"Ysabel? Yung bibig mo ha." Sambit pa ng asawa ko.
"Shh, yaan mo na. Nakikita nya yung mga ginagawa ko eh." Sabi ko naman sa kanila.
"kahit na ba, ok na ang pamilya natin diba? Wala nang temptations. At kailanman hindi mo na ako pag tataksilan." Sambit pa nya sa akin.
"As if naman po tutuparin nya. Lalo na , na nandyan si ninong. Anytime daddy, patalikod ka nila sasaksakin." Sambit pa ni Mark.
Habang nag lalakad lakad, may hawak pa syang tungkod.
"Isa ka pa Mark." sambit pa ng asawa ko sa kanya.
"Daddy? Mas kakampihan mo pa ba si mommy kesa sa amin?" Tanong pa ni Ysa.
"Daddy? Diba sabi mo po hindi ka muna mag papatawad agad? Sabi mo po daddy, mag iisip isip ka po muna po. Bago mo po patawarin si mommy." Sabi pa ni Luna.
Hindi ko naman mapigilan ang maluha sa mga sinasabi nila.
"Tyaka isa pa po daddy, bakit ganun na lang si mommy kay Luis. I don't get it kasi eh." Sabi pa ni Lean.
"Kasi nga purong kapatid nyo sya." Sambit pa ni Lito.
"Po?" Sabay sabay nilang tanong.
"Si Luis ay anak namin ng mommy nyo." sagot naman agad ng asawa ko.
"So you mean po, kapatid talaga po namin sya po. Paano po nangyari po yun po? Tama po ba yung mga naririnig namin kanina sa labas." Sabi pa ni Ysa.
"I'm sorry mga anak, I'm sorry sa inyo." Sabi ko naman sa kanila. Habang humahagulgol na naman ako.
"Ga? Baka kung ano na naman mangyari sa'yo. Stop crying na." sabi pa ng asawa ko.
"You should talk to them muna ok? or spend time with our children muna ok?" Sambit ko naman sa asawa ko.
"Saan ka na naman pupunta? Akala ko ba haharapin natin parehas ito?" Sambit pa ng asawa ko.
"Hahahaha! Ano ka ba, lalagok lang ako ng alak, ikaw talaga." Sabi ko naman.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
