LOREN'S POV...
Nandito pa rin kami sa may mini chapel.
Naka titig lang ako sa asawa ko.
Habang sya naka tingin sa mga magulang nya.
"Alam nyo nay, tay? Kung nandito pa kayo. Nandito sana yung babaeng ipag sisigawan ko sa buong mundo na mahal na mahal ko sya. Kaso hindi eh, buhay man po kayo or hindi. Ganun pa rin masasaktan at masasaktan pa rin po ako." Sambit naman ng asawa ko.
"Sorry po nay and tay, alam ko naman po na mali ito eh. Mali ang sumiping sa iba. Kahit na may isang taong mahal ka ng lubusan. Kahit anong sign, nay, tay. Tatanggapin ko po, maramdaman ko naman po ang punishment nyo po. Sorry talaga po, alam ko pong irita na po sa akin ang anak nyo po. Gaya nga po ng sabi nya. Sa Diyos po muna ako mag so sorry, at sa inyo po. Tyaka ko po patawarin ang sarili ko. At baka mapatawad na nya ako." Sambit ko naman habang tuluyan ng umiiyak.
"Alam kong sobrang sakit nito. Sariwa pa rin eh, sa tuwing naaalala ko yung mga nakikita ko sa inyo. Unti unti akong nauubos. Nasusugatan, at lalo sumasariwa." sambit naman nya sa akin.
"Ga? Gusto mo kausapin ko si Noli? Gusto mo ganito na lang, bumalik na lang tayo. Makikipag hiwalay ako sa kanya. Para bumalik ka lang sa akin." sambit ko naman sa kanya.
"Ayoko pa nga, pero ayaw ko naman gawin mo yung kondisyon na noon ko pa gusto ipagawa sa'yo. Noong maliit pa yang tiyan mo." Sabi naman nya sa akin.
"A-ano yun?" tanong ko naman.
"A-abortion, kaso pag pinagawa ko yun. Mawawalan pa ako ng lisensya." sagot naman nya.
"Binalak ko rin yan, sabi naman nya. Pananagutan nya yung babies. Kaya hindi ko ginawa." Sagot ko naman sa kanya.
"Hmm, mabuti kung ganun." sabi naman nya sa akin.
"Langga? Balik na tayo sa dati. Hindi ko kasi kaya na wala ka eh. Hindi ko pala kaya na humiwalay sa'yo." Sabi ko naman sa kanya.
Tumingin naman sya sa akin. Nilatag pa nya yung dalawang kamay nya.
"Nakikita mo diba? Hindi ko muna sinusuot yung wedding ring natin. Kasi ang sakit sakit Loren. Kung alam ko lang na lolokohin mo ako sana hindi na lang kita niyaya magpa kasal ulit." Sabi pa nya sa akin.
May tumugtog naman sa may labas. Ano ba yan lagi na lang ako binibigyan ng sign.
Well, here we are again
I guess it must be fate🎶🎶🎶
"For the sake of our children langga? Please? Alam kong ayaw mo rin maipit ang mga bata sa ganitong sitwasyon." sabi ko naman sa kanya.
We've tried it on our own
But deep inside we've known
We'd be back to set things straight🎶🎶🎶
"Oo ayaw ko talaga, pero wala eh. Maging silang mga anak natin, nagagalit sa'yo. Kasi bakit ka nga naman magkakaroon ng anak sa iba. Kung wala ka naman ng oras sa kanila." Sambit naman nya. Na mas lalo kong ikinaluha.
I still remember when your kiss was so brand new🎶🎶🎶
"So totoo nga na pati ang mga bata, ay ayaw na rin sa akin." Sabi ko naman.
Every memory repeats
Every step I take retreats🎶🎶🎶
"What to expect Lorna Regina." Sambit pa ng asawa ko.
Every journey always brings me back to you🎶🎶🎶
"Ga? Please?" Sabi ko naman.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
