PS TITLE: The Truth... ( Forda Friends muna.)
NOLI'S POV...
Pangalawang araw na namin mag bakasyon. Ang bilis sa susunod na mga araw uuwi na kami sa mga asawa namin.
"Labas tayo? Para naman maka langhap ka ng fresh air." Sabi ko naman sa kanya.
"Hmm? Sige sige, gusto ko ng mangga love." Sabi pa nya sa akin.
"Sige bibili tayo sakto nasa Zambales tayo. Madaming mangga." Sabi ko naman sa kanya.
"Hmm? ayaw ko ng overripe ha? and ayaw ko rin ng sobrang asim. Then ayaw ko ng mabuto." Sabi pa nya sa akin. Saan naman ako hahanap ng mangga na walang buto.
"Hah? Meron ba nun? Saan ako hahanap nun?" Tanong ko naman sa kanya.
"Eh, basta mag hanap ka. Yung mga sinabi ko ha." Sabi pa nya sa akin.
"Sus naman, yun talaga cravings mo? Wala nang iba?" Tanong ko naman sa kanya.
"Hmm, ayaw mo ba? Ahh!! Ayoko na nga, ayaw mo naman ibigay eh. Kasi diba tataba ako. Tapos pa- panget ako tapos, hindi na rin ako mahal ng asawa ko. Pati ikaw hindi mo na rin ako mahal." Sabi naman nya habang umiiyak.
"Shh, hindi sa ganun, tinatanong nga kita ano pang gusto mo bukod sa mangga eh." Sabi ko pa sa kanya.
"Talaga?" Sabi naman nya tyaka tumitig sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya tyaka ko sya hinalikan.
"Huyyy! Ano ba yan, ang ingay ingay nyo tanghaling tapat. Oras na para matulog ng tanghali." Sabi naman ng kapitbahay ko na matanda na rin.
"Opo syempre po. Hahaahaha! Pasensya ka na sa kapitbahay ko. Matanda na kasi eh, kaya ganun yun. May oras kasi dito ng tulog, kain at laro. Maging ang trabaho." Sambit ko naman sa kanya.
"Hahaha! Ok lang yun, ganun din naman sa mga ibang probinsya eh. Thank you pala dada namin." Sabi naman nya sa akin.
"Welcome po, mimi namin and baby namin." Sabi ko naman sa kanya.
"Tara na nga muna, samahan na kita mag hanap ng mangga." Sabi naman nya sa akin.
"Talaga love ko? Tara na nga." Sabi ko naman.
Habang nila lock ko yung pintuan ng bahay ko.
Chineck ko pa yung mga gamit. Para incase na mag bleed or may mangyari kay Loren at sa baby. Prepared ako kung saan kami pupunta at anong gagawin namin.Nakita ko naman na may kinakausap na matanda si Loren sa may labas ng gate.
Lumapit naman na ako sa kanila para mailock ko na yung gate.
"Hija? dalawang sanggol ang iluluwal mo ngunit magka iba ang ama." Sambit pa ng matanda.
"Ho? Anong ibig nyo pong sabihin?" tanong pa ni Loren sa kanya.
"Nararamdaman kong nag tataksil kayo sa mga asawa nyo. Ngunit kahit anong pag tatago ninyo. Mahuhuli at mahuhuli kayo." Sambit pa nung matandang babae sa kanya.
"Ay? Inang mag asawa ho kami. Nag kaka mali po kayo ng sinasabihan." Sambit ko pa sa kanya.
Nakita ko naman na balisa na si Loren.
Tumingin pa sa akin yung matandang babae."Mga sinungaling, lalo ka na. Lalo mong pinapahamak ang babaeng kasama mo. At hinihimok mo syang mag taksil." Sambit pa nya sa akin.
Humawak pa sya sa tiyan ni Loren.

YOU ARE READING
Love Under The Sunset
Fiksi PenggemarFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.