LITO'S POV....
Pipiliin pa talagang sumama ng asawa ko sa kanya.
Paano na ako, paano na kami. Tumingin naman ako sa mga bata, habang pinapakawalan sila.
Isa isa naman silang lumapit sa akin. Yumakap pa sila sa akin. Habang kinakalagan ako ng mga tauhan ng magaling kong kumpare.
"Daddy? Iiwan na talaga po tayo ni mommy?" Tanong pa ni Lean.
"Makinig kayo mga anak, babalik sa atin si mommy. " Sabi ko naman sa kanila.
Kahit alam kong baka mapa mahal na naman yung asawa ko sa kumpare namin.
"Baka po hindi na po tayo mahal ni mommy." Sabi naman ni Laz.
"Hindi naman tayo naka ramdam ng love kay mommy eh." Sambit pa ni Luna.
"Lagi na lang po sya na kay ninong po." Sabi pa ni Lorein.
"Pwede ko ba maka usap yung mga bata at asawa ko?" Tanong naman ni Loren kay Noli.
"Hmm? Sige, pero sandali lang." Sagot naman ng kumpare naming magaling.
"Sige salamat." Sabi naman ng asawa ko. Lumapit naman sya sa amin.
"Ano desidido ka na ba dyan sa lalaking yan?" Tanong ko naman.
Lamapit pa sya lalo sa akin, nilapit pa nya yung mukha nya sa tenga ko.
"Sa C.R tayo, at palabas ko lang ito." Bulong naman nya sa akin. "Mag C.R. lang kami." Sabi pa nya.
"Bilisan nyo!" Saad pa ni Noli.
"Oo na oo na." Sabi pa ng asawa ko. Tyaka nya ako hinila sa C.R.
"Ano ba gagawin natin dito?" Tanong ko naman.
"Gusto kita kausap privately." Sambit naman nya sa akin.
"Magka usap naman na tayo ha?" Sambit ko naman. Sabay tingin ko sa iba, ayokong nakikita nyang na te- tempt ako.
"Patawarin mo na ako." Sambit naman nya sa akin.
"Hindi ko na nga alam kung maniniwala pa ako sa'yo eh." Sambit ko naman sa kanya.
"Ikaw ang mahal ko. Ginagawa ko lang ito, para manahimik na si Noli." Sambit naman nya sa akin.
"Pero may ibang paraan naman eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Mag hintay ka lang, may ibang mangyayari sa atin ngayon." Sabi naman nya sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko naman.
"Kasama ko sina AA and Gary." Sagot naman nya sa akin.
"Ganun? Anong ginagawa nila dito?" Tanong ko naman.
"Sinamahan nila ako, ayaw nilang mapahamak yung pamilya natin." Sambit naman nya sa akin.
"Ibig mong sabihin? Uuwi tayo ng sabay?" Tanong ko naman sa kanya.
"Oo, kaya mag tiwala ka lang sa akin ha?" Sambit naman nya sa akin.
Nag iisip pa ako sa sinasabi nya sa akin. Hindi ko alam anong masasabi ko sa kanya.
"Alam mo naman na nawalan na ako ng tiwala sa'yo eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Pero para sa mga bata naman langga ko." Sabi naman nya sa akin.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
Fiksi PenggemarFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
