91. Two Fathers

21 1 1
                                        

LITO'S POV...






























Ang saya ko na nakikita ko si Luus. Hindi ko man lang syang mayakap.
Mahalikan, kasi si Noli ang kilala nyang ama.

Ako tito daddy nya lang ako. Tito lang ang tingin nya sa akin.
Ni isa sa mga anak ko, walang nakaka alam.

Na nag pa DNA test ako, apat na taon na rin.
Naiiyak lang ako sa ganung sitwasyon.

"Tito Daddy, let's play po." Sabi pa nya sa akin.

"Nako po, paalam ka po muna kay mommy mo po." Sabi ko naman.

"Nako anak, maliligo ka pa po eh." Sabi naman ni Noli.

Naiinitindihan ko naman na protective sya kay Loren at sa mga bata.
Pero syempre hindi ko masabi na anak ko rin yun eh.
Akin si Luis eh, anak ko sya. Pero anong magagawa ko, hindi nila alam.

"Dada? please? Si tito daddy na lang po mag paligo sa akin po." Sabi naman ni Luis.

"Oo nga naman, ako na bahala sa kanya. Halika na anak." Sabi ko naman.

Bigla naman akong pinigilan ni Loren.

"Hindi mo sya anak." React pa ni Loren sa akin.

"Inaano ka ba? Hindi ko naman ina angkin yung bata eh." sabi ko pa sa kanya.

Siguro nakakaramdam na sya na anak ko si Luis.

"Wala naman pare, kasi nakaka ano na puro si Luis ang iniintindi mo." Sabi pa ni Noli.

"Tatay tatayan nya ako eh, anong magagawa mo? Sa akin lumalapit yung bata. Kasalanan ko ba kung hindi sya sa inyo malapit?" Saad ko naman sa kanilang dalawa.

"Hindi pero, anak namin si Luis eh." Sabi pa ni Noli.

"Oo nga anak nyo, pero masama ba na alagaan ko sya?" Sabi ko naman. "Masama ba na maging tatay nya ako?" Tanong ko pa sa kanya.

"Hindi, pero syempre paano ako? Ako yung ama diba?" Sabi pa ni Noli.

Kahit ako naman yung ama, kahit ako yung bumuo.

"Oo nga ama ka nga, hindi ko naman inaano sa'yo eh. Hindi ako nakikipag kumpetensya sa anak nyo." Sambit ko naman habang naluluha na ako ng tuluyan.

"Parehas tayong ama oo, pero pare hayaan mo naman na maging pamilya kami ni Loren. Yun lang naman gusto ko eh." Sabi pa nya sa akin.

Tumingin naman ako kay Loren. Hindi ko maiwasan na questionin sya sa isipan ko.

Na ako pa rin ang asawa niya. Pero iba pala ang gusto nyang makasama.

"Oo nga pala, sensya na ha? Sensya na kung sumisiksik kami ng mga anak namin ni Loren." Sabi ko naman.

"Lito naman?" Sabi pa ni Loren.

"Pasensya ka na Loren. Uuwi na lang kami." Sabi ko naman sa kanya.

"Teka saglit." Sabi naman nya.

"Ok na, ayaw ko na pag usapan natin ito." Sabi ko naman.

"Dalawang ama kayo ng mga bata oh." Sabi pa nya.

"Dalawa? wala akong kwentang ama. Kahit kailan hindi nyo nakikita yung halaga ko bilang isang ama." sabi ko naman.

Tyaka na ako umalis ng tuluyan, bitbit ko pa yung mga gamit ng mga bata.
Sumenyas pa ako na uuwi na kami.

Nagsi sunuran naman sila sa akin.
Nagulat pa ako maging ang asawa ko.

"Langga?" sabi pa nya.

"Ano?" Tanong ko naman. "Mga bata sa sasakyan na muna kayo." Sabi ko pa ulit.

Sumakay na sila sa sasakyan.
Habang kaming mag asawa yung naiwan.

"Pwede ba Loren? Wag mo akong tatawagin sa endearment natin. Ano bang sinadya mo pa?" tanong ko naman.

"Bakit ganun ka kay Luis? Bakit halos anak ang turing mo sa kanya?" Tanong pa nya sa akin

"Gusto mo malaman?" Tanong ko rin sa kanya.

"Oo, gusto kong malaman. Kasi hindi ko maintindihan eh." Sabi pa ng asawa ko.

"Dahil anak ko sya Loren, tinago ko ng apat na taon. Dahil alam kong si Noli yung magiging ama nya." Sagot ko naman sa kanya.

"a-anak natin si Luis?" Tanong pa nya.

"Oo anak natin sya, kaya nawala yung dahilan ko para magalit sa'yo. Pero nandito pa rin yung sakit eh. Hinayaan ko kayong maging masaya. Kasi yung ang gusto ng kabit mo eh." Sagot ko naman sa kanya.

"Pero bakit sa loob ng apat na taon?" Tanong pa nya.

"Dahil kayo yung may buo ang pamilya Loren. Hindi mo ba maintindihan yun?" Sambit ko naman sa kanya.

"Gumagawa ng sign yung Diyos." Sabi naman nya sa akin.

"Pero ayaw ko pa rin eh." Sabi ko naman.

Bigla naman syang lumuhod sa harapan ko.

"Patawarin mo ako, may dahilan na para bumalik ka sa akin." Sambit pa nya sa akin.

Habang umiiyak at humahagulgol sa harapan ko.

"Ano ba tumayo ka dyan." Sabi ko naman.

"Loren!!??" sigaw pa ni Noli.

Parehas naman kaming tumingin ng asawa ko sa kanya.

































































>>> Tc...

AT LEAST FOUR YEARS LANG TINAGO HINDI 15 YEARS AHHAAHAHAHA EME.😭😭
MAMAYA NA NGA LANG ULIT.😭😭
DAMING REVELATIONS EH. PERO WALA PA RING COMEBACK.🥺🥺
MASAKIT PA RIN KASI EH.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now