77. Meet Again

28 1 2
                                        

LITO'S POV..
























Pinapunta kami dito nila papa at mama. Sabi nila mag advance celebration si AA.

"Bayaw?" Salubong pa sa akin ni Gary.

Parang gulat pa sya eh. Akala mo naka kita ng multo.

"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Sambit ko naman sa kanya.

"Hah? Ano wala naman, kumain na ba kayo ng mga bata?" Tanong pa nya sa akin.

"Hah? Hindi pa nga eh, kasi kaninang umaga yung huling kain nila. Sabi ko dito na sila mananghalian at mag meryenda." Sambit ko naman.

"Ah? bayaw? Hindi naman sa pag aano. Hindi ka ba nahihirapan sa mga bata? Alam ko na kailangan din nila ng aruga ng ina nila." Sabi naman sa akin ni Gary.

Naluha naman ako sa sinabi nya.

"Alam mo? Kaya ko, oo may mga araw na hinahanap nila yung mommy nila. Kasi nga kailangan din nila dumede sa mommy nila. Kaya nga minsan kahit sa iba galing na gatas, hahanap ako eh. Mayroon naman mga nag dodonate ng ganun eh. Lalo na yung mga nakaka pag produced pa ng milk kahit malalaki na mga anak nila." Sagot ko naman sa kanya.

"Mabuti naman kung ganun, gusto kasi ni manang makita mga bata eh. Kung ok lang daw sa'yo?" Sabi naman nya sa akin.

Alam kong may gusto pa syang sabihin eh. Hindi ko lang pinapangunahan.

"Kung gusto nyang makita ang mga bata. Gusto ko sa akin pa rin sila uuwi. Doon sya sa amin, babantayan ko mga kilos nya. At para hindi sya gumawa ng ano mang ikaka galit ko pa lalo." Sambit ko naman sa bayaw ko.

"Kaya nga eh, sasabihan namin sya. Lalo na, na ipaglalaban nya yung karapatan nya sa mga anak nyo." Sabi pa nya sa akin.

Hindi ko na alam anong gagawin ko. Mahal ko pa ang asawa ko.
Pero hindi ko sya magawang ma patawad.

"Baka kasi pag ginawa nya yun, hindi ako mag dalawang isip na makasuhan sya sa mga panloloko nya sa akin. Kayo naman alam nyo naman pa lang nakunan sya bago ako magising nung na coma ako." Sambit ko naman sa kanya.

"Akala kasi namin bayaw, sasabihin nya sa'yo yun eh. Hindi namin alam na nabuntis pala sya ulit nun." Sabi pa nya sa akin.

Medyo may naririnig naman ako na boses ng babae sa may itaas. Pati si AA naririnig ko rin.

"Oo nga pala, sa birthday mo ba pupunta si Lito?" Tanong naman nya kay AA.

Alam kong ang asawa ko yun. Kaya deadma na lang ako.

"Bakit pupunta ka? ayiee miss na nya." Sambit naman ni AA.

"Alam mo? sa totoo lang oo, miss ko na ang asawa ko. Kung maibabalik ko lang lahat eh." Sambit naman ng asawa ko.

Habang mas lalong lumalakas ang boses nya. Dahil nararamdaman kong papa lapit sya dito.

"Sana nga eh, sana nga maibalik mo na lang lahat eh. Para hindi ako nakaka ramdam ng anomang sakit." sambit ko naman sa kanya.

"Langga? I mean Lito? anong ginagawa mo dito?" Tanong pa nya sa akin.

"Bibisitahin ko sana yung mga magulang at kapatid mo. Hindi ko pala alam na may taksil dito." Sambit ko naman.

"Malamang bahay ko rin ito eh." Sabi naman ng asawa ko.

"Oo nga naman, bahay mo rin pala ito. AA, Gary? Uuwi na lang muna kami ng mga bata." Sabi ko naman.

Nagulat pa sya ng marinig nya na nandito ang mga bata.

"Mga bata? nandito ang mga anak natin?" Sabi naman nya sa akin ang laki laki pa ng mga ngiti nya.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now