LOREN'S POV...
Magkaka sama naman kami sa sala, tama paypayan lang sila.
Ako ito, naka titig ako sa kanila. Nakaka inggit, dapat ako yung nag aaruga sa kanila.
Dapat ako yung nagpapaka nanay.
"Ah? Mga anak? May dapat kayong malaman." Sabi ko naman sa kanila.
Tumingin naman ako sa asawa ko. Tumingin naman sya sa akin.
At tumango pa sya sa akin.
"Siguro ito na yung time Loren." Sabi naman nya sa akin.
Habang magka harapan kami, at magka titigan.
"Ano na naman po yun?" Tanong naman ni Luna.
"Hmm? It's about time na mga anak." Sabi ko naman sa kanila.
"Ang alin po?" Tanong naman ni Mark.
"Daddy, alam mo po?" Tanong pa ni Ysa.
"Opo mga anak, dahil kami din naman yung cause nun." Sagot naman ng asawa ko.
"Hindi ko po kayo ma gets." Sabi naman ni Laz.
Bumuntong hininga naman ako, para malaman nila yung totoo. At bago din ako mag salita. Wala akong ibang makapitan. Kundi si Karen lang, dahil kami lang yung dalawang magka tabi. Sila naman nasa harapan namin.
"After ko mag miscarriage, nung mag boyfriend, girlfriend pa lang kami at isang miscarriage pa ng maikasal kami. Nabuntis na ako nun, pero hindi ko na alam nasaan na yung totoong kuya nyo. Nasunog yung nursery room nun, at hanggang ngayon." Sambit ko naman. Pagka hinto ko sa sasabihin ko. Tumingin pa ako sa asawa ko. "Wala pa ring balita, at ayaw na rin mag salita nung hospital at nung mga staff doon. Tungkol sa case ng sunog. Pina closed case na rin nila iyon. At hindi na namin napa buksan. Dahil nga nagka conflict na rin yung family natin. Pero nung time na yun. Nag adopt kami ng baby, at si kuya Mark nyo iyon. Pinalabas lang namin noon na nakunan ako, at nung araw na iyon si Kuya Mark nyo yung baby na nakita namin. Pero yung totoo, nanganak ako na hindi namin nakita yung baby namin." Sambit ko pa ulit sa kanila.
Habang namumuo na yung mga luha ko.
"Parang ako po pala yung baby. Hinahanap na rin po nya siguro kayo. Kagaya ko, hinahanap ko yung mga magulang ko. Si daddy naman ayaw nya sabihin kung nakaka usap nya yung nanay ko." Sambit naman ni Mark.
Sana sya na lang yung anak namin, sana sya na lang yung nawawalang baby namin. Emmanuel Lawrence ang name nya. I named after my husband and me.
Kasi parang feeling ko nandito lang yung anak namin. I mean nakikita ko sya kay Mark.
Hindi ko alam, kung yun din yung na fe feel ng asawa ko.
Yung lukso ng dugo ba yun. Basta ganun, kaya sana hindi lang ako yung nakaka alam nito. Baka alam din ng asawa ko yung nararamdaman ko.
"Opo nga eh, sana makita mo na rin mga magulang mo ano?" Sabi ko naman sa kanya.
Bigla naman may bumato sa may bintana mabuti na lang naka bukas ito, at walang tinamaan sa amin.
Kinuha agad ito ng asawa ko, at tinignan kung may laman or ano man yun.
Pagka kuha ng asawa ko, binuksan nya ito. May papel at may naka sulat.
"Hindi nyo na makikita ang anak nyo. At hindi nyo na ito malalaman kung nasaan sya." Sabi naman ng asawa ko. Dahil sa binasa nya yung naka sulat.
"Anong sabi kamo?" Tanong ko naman.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
