107. Kids VS. Mom

28 1 2
                                        

YSA'S POV...





























Malapit na daw kami maka labas dito sa hospital.
Yung mommy namin yung bantay namin.

Mga kapatid ko gumagawa na naman ng kalokohan sa buhay.

"Ate? Hulihin natin si mommy?" Sabi pa ni Luna.

"Paanong huhulihin?" Tanong ko naman.

"Na ano po baka may iba na naman po sya." Sabi pa ni Luna..

"nako naman po, malay mo po nag bago na si mommy." Sabi ko naman. Tapos bigla din akong napa iisip. "ay hindi, Po nga tama ka nga. Never mind na lang talaga." Sabi ko pa ulit.

"Tara po ate. Pakinggan po natin si mommy." Sabi pa ni Luna.

"sige po" sabi ko naman. Nakita naman namin na may kausap sa cellphone si mommy.

Naka ngiti pa sya, and parang natutuwa pa sya sa mga ganap doon sa kabilang linya.

"Siguro si ninong na naman po yun." Sabi pa ni Luna.

"Siguro nga, hay nako. Yaan mo na sya. Kung ayaw na nya kay daddy. Wag na sya sa atin, sana nga niligawan na lang ni daddy si doctora Lily." Sabi ko pa sa kanya.

"Eh, kasal pa po sila ni mommy eh." sabi pa ni Luna.

"Eh bakit, si mommy naman po may karelasyon po kahit kasal pa po sila ni daddy." Sabi ko naman sa kanya.

"shh po ate, wait lang po." Sabi pa ni Luna.

Medyo lumapit pa kaming dalawa doon kay mommy.
Mga naka wheelchair pa kami kasi mga di pa kami makalakad at yung mga braso namin ay mga mga bali pa.

"Sunduin mo ako dito love?" tanong pa ni mommy.

"Diba po, langga tawag po ni mommy kay daddy po? Ganun din po si daddy kay mommy po." Tanong pa sa akin ni Luna.

"Ha? Opo, bakit po? Dahil love po yung kausap ni mommy po?" Tanong ko rin sa kanya.

"Opo, nag la lie pa rin po si mommy po. Nag tataksil pa rin po sya kay daddy po." Sabi pa ni Luna.

"Shh, tara na po. Yaan po natin sya po. Wag na lang po natin kausapin po." Sabi ko naman.

"Opo, hindi po natin kakausapin si mommy po. Mga kuya wag po natin kakausapin si mommy po." Sabi pa ni Luna. At sabi nya din sa mga kuya nya.

"Bakit naman po natin sya hindi kakausapin?" tanong pa ni Laz.

"Ang gulo gulo nyo talaga." sabi pa ni Lean.

"Hindi nyo po ba naririnig si mommy? Hindi si daddy yung kausap nya po sa cellphone." Sabi naman ni Luna.

"Wala na po, may ibang love na naman po si mommy po." sabi ko naman sa kanila.

"Hindi kaya po totoo yan." Sabi pa ni Lean.

"Wag nyo na ipag tanggol si mommy." sabi pa ni kuya Mark.

"opo nga po, ano ba yan po kayo." Sabi pa ni Luna.

Maya maya pa lumapit sa amin si mommy.

"Mga anak, may pupuntahan mamaya si mommy. Si daddy and mga tito nyo na po muna bahala po." Sabi pa ni mommy.

"Ay, may lakad ka po pala. Sige na po alis ka na." Sabi pa ni Kuya Mark.

"Hindi sa ganun mga anak." Sabi pa ni mommy.

Lumapit pa sya sa amin, kaso naitulak sya ni Luna at Lorein.
Natumba pa sa sahig si mommy.

Saktong pumasok si daddy.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now