LOREN'S POV...
Tumila na yung ulan, sana ok na ang anak ko. Sana ok na si Ysa. Hindi ko kakayanin pag nawalan pa ako ng anak.
"May signal na ba?" Tanong ko naman.
"Hmm? Medyo. Bakit?" Sagot naman ni Karen.
"Kailangan ko matawagan sila mama at papa. Para malaman nila anong nangyayari sa atin." Sambit ko naman sa kanya.
"Ok na po, naka tawag na kami. No need na, ang sabi lang nila. Umuwi na daw kayo, lalo ka na. Hinahanap ka na ng anak mo." Sabi naman ni Luna.
"Paano kayo? Hindi kayo sasama?" Tanong ko naman.
Ang lungkot lang, hindi ko pa rin sila mapa amo. Wala na silang amor sa akin.
"Ayaw po namin po." Sabi naman ni Lorein.
"Kay daddy at tito lang po kami sasama po." Sabi naman ni Laz.
"Kaya ma? Kung mahal mo kami, bumalik ka na ng Manila." Sabi naman ni Lean.
"Teka? Paano yung ate nyo? Paano kayo? Ayaw nyo ba bumalik sa Manila?" Tanong ko naman sa kanila.
"Hindi ka ba nakaka intindi? Ayaw nga sumama ng mga pamangkin ko eh. Paulit ulit? umalis na kayo. Karen, lumuwas na kayo ng Manila." Sambit pa ni AA.
"Hah?" Tanong pa ni Karen.
"Anong ha? Umuwi na kayo ng Manila. Utang na loob, please lang." Sambit pa ni AA.
"Uuwi tayo." Sabi ko naman sa kanila.
Habang sinusubukan hawakan yung kamay ni AA. Pero sya tinatanggal nya yung kamay ko.
"Ano ba? Ayoko nga umuwi hindi ba? Nasasaktan lang ako pag nasa bahay ako!" Sambit naman ni AA.
Habang maluha luha sya. Doon kasi sila gumawa ng first memory nila ni Gail. And I'm pretty sure na doon din may unang nangyari sa kanila ni Gail.
"Halika na please naman oh." Sabi ko naman sa kanila.
"Ayoko nga diba? Naaalala ko lang si Gail doon. Naaalala ko lang kung paano kami bumuo ng pamilya. Yung sana meron ako ngayon. Hindi ganito, yung ako yung kawawa. Ako na naman yung nag sakripisyo para sa mga kapatid ko at mga asawa nila." Saad naman niya habang tuluyan ng umiyak.
Maging ako naiiyak na rin, pati mga bata umiiyak na rin.
"Sorry, I know hindi na natin sila mababalik ng baby nyo. Pero kailangan mong lumaban eh. Kasi nandito ka pa, may chance pa na magka pamilya ka ulit." Sambit ko naman sa kanya.
"Are you saying na kailangan ko na palitan si Gail?" Saad naman nya, na mataas na ang tono ng boses nya.
"No hindi sa ganun." Sabi ko naman.
"Hindi eh, sa mga sinasabi mo. Kailangan ko na syang kalimutan! Manang, kung sa'yo madali lang ito. Napalitan mo nga si bayaw eh, kahit nandito pa sya nag eexist. Pero sa akin manang, hindi madali. Buong buhay ko, sinuportahan ko kayo sa mga asawa nyo. Wala kayong narinig na salita sa akin. Tapos ngayon ito? Patay na si Gail, wala na akong asawa at anak. Tapos sasabihin mo mag move on? Ah alam ko na." Sabi naman nya sa akin.
Habang tuluyan nang umiyak. Yumakap naman sa kanya yung mga bata.
"Hindi wala akong sinabing palitan mo na sya. Ang akin lang, ayaw ko na ganyan ka. Nasasaktan ako, kami ng kuya Gary mo. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa amin, bilang ate at kuya mo. Na nag nakaka ganyan ka. Kung kaya ko lang ibalik si Gail. Gagawin ko, gagawin ko para maging masaya ka." Sambit ko naman sa kanya.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
Fiksyen PeminatFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
