AFTER ONE MONTH.....
LOREN'S POV....
Lagpas isang buwan na rin pala nung nawala sila. Hindi ko rin naman alam saan sila hahanpin. Wala pa rin akong update kayla Grace, dahil nga ayun ayaw din daw sila padalawin.
Tatawagin ko na sana si Noli, para kumain na. Pumasok naman ako sa isang kwarto dahil doon sya minsan tumatambay.
Pagka pasok ko, may nakita naman ako na kabinet.
Bubuksan ko sana pero, parang naging malihim na lagusan.
Nagulat pa ako sa mga nakita ko. May bulletin web sya.
Habang kilakalkal ko ito, at nakita ko yung mga larawan namin.
Yung mga taong nawawala at wala na naka crossed out. Lalo na si Gael.
May mga naka sulat din, at may mga papel sya dito.
Halos maiyak na ako. Dahil may mga threat sya dito.
"Hayop! Ang hayop mo!" Sigaw ko naman.
Tyaka tuluyan ng umiyak.
"Love!?" Sabi naman ni Noli. "Love!? Where are you love?" Sambit pa nya ulit.
Habang naririnig ko yung mga yapak nya. Papunta dito, halos mamuo na yung mga luha ko.
"Bakit?" Sabi ko naman kunwari. Bago sya maka rating dito sa akin.
Pumasok naman na sya, nagulat din sya sa akin.
"A-anong ginagawa mo dito?" Patay malisya pa nyang tanong.
"Anong ano ang ginagawa ko?" Saad ko naman sa kanya. "Ako nga yung dapat mag tanong eh? Ano ito ha? Ano sumagot ka?" Tanong ko naman sa kanya.
Mas lalo pa akong nagulat. Dahil may confession na sya yung may gawa nung nakunan ako.
"Let me explain love, please?" Sambit naman nya.
"Explain? Wag mo akong tawaging love!" Sigaw ko naman sa kanya.
"Sorry, I'm sorry." Sambit naman nya.
"At ano ito? Ikaw yung may kagagawan nung second miscarriage ko?" Tanong ko pa sa kanya.
Yumuko naman sya tyaka lumuhod sa harapan ko.
Hinawakan pa nya yung mga kamay ko.
"Hayaan mo akong mag paliwanag." Sambit naman nya sa akin.
"Sige ipaliwanag mo!" Sigaw ko pa sa kanya.
"Oo, pinainom kita ng pampalaglag. Dahil akala ko iiwanan ka ng asawa mo. Dahil mahal pa rin kita. At hindi ako sang ayon na kayo yung mag sama habang buhay." Sagot naman nya sa akin.
"Nag tiwala ako sa'yo." Sambit ko naman. Habang tuluyan ng umiyak. "Minahal kita Noli, tinalokuran ko yung pamilya ko. Tinanggal ko yung pag mamahal ko sa asawa ko. Kaya napaka walang hiya mo. Lahat binigay ko, lahat ng pag mamahal ko binuhos ko sa'yo." Sambit ko naman sa kanya.
At mataas na rin yung tono ng boses ko.
"Patawarin mo ako, mag babago na ako." Sambit naman nya sa akin.
"Tawad? Eh ano pa itong mga ito? Yung totoo, ikaw rin ba ang may kagagawan ng pag aksidente namin ni Gail?" Tanong ko naman sa kanya.
Lalo naman syang humawak ng mahigpit. At naka yukyok pa yung mukha nya sa dalawang hita at binti ko.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
Fiksi PenggemarFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
