122. The Ultrasound

13 1 0
                                        

LITO'S POV...





















































Kaka balik ko lang galing sa labas, nag pa hangin lang ako. And bumili ng pagkain.

Saktong pag pasok ko, nag tatawanan yung tatlong Legarda.
Ang cute nila minsan lang sila ulit magka sama sama.

"Ang cute nyo naman." Sabi ko naman sa kanila.

"Ay, you're here na pala." Sabi naman ng asawa ko.

"Yes, I brought some food na. And mamaya yung. Sinasabi ko sa'yo na 3D na ultrasound. Gagawin na mamaya, so be prepared langga ha?" Sabi ko naman habang na eexcite ako.

"Parang ang aga naman ata nun." Sabi pa ng asawa ko.

"Hindi naman ga, para malaman talaga natin na may laman yan. Ayoko naman na umasa ako eh." Sabi ko naman sa kanya.

Ang sakit na kasing umasa eh, lahat na lang talaga. Sana naman ako na yung paboran ng Diyos.

"Sorry ha? Sorry kung umaasa ka pa rin." Sabi naman nya sa akin.

"shhhh, stop it na paulit ulit ka naman eh." Sabi ko pa sa kanya.

Ayoko na kasi na paulit ulit lang yung mga sinasabi nya.

"Ay, ano kain na lang tayo." Sabi pa ni AA.

"oo nga , mukhang masarap yung pagkain na dala ni bayaw." Sabi pa ni Gary.

"Hah? Oo bulalo yan, tapos as usual yung may malunggay na sabaw." Sagot ko naman sa kanya.

"Malunggay na naman?" Tanong pa ng asawa ko.

"Eh diba manang, doon mo naman pinag lihi mga anak mo hindi ba?" Tanong naman ni Gary.

"Oo pero, hindi naman ako buntis eh." Sabi pa ng asawa ko.

Mas lalo naman akong nalungkot sa sinabi ng asawa ko.
Parang wala ako dito ha, parang hangin lang ako sa kanya.

"Hindi sa ganun manang, buntis ka man or hinde. Dapat pa rin healthy ka." Sabi pa ni AA.

Buti pa sila naiintindihan ako, lalo na sa pag aalaga sa asawa ko.
Nag iisa lang nila na babaeng kapatid yan eh. Dapat lang din naman na alagaan sya eh.

"Oo na nga, kakain na." Sabi naman ng asawa ko.

"Kayo na muna bahala sa Manang nyo mag pakain." Sabi ko naman.

Para mahintay ko yung mag che check sa asawa ko.
Kaso ang sakit lang eh, hindi nya iniisip na buntis sya. Paano kung oo, tapos komlikado na naman.
Mawawalan na naman ba ako ng anak, lagi na lang akong dehado. Never akong nanalo sa kahit na anong laban.

"Sige lang bayaw." Sabi naman ni AA.

"Sige salamat." Sabi ko naman.

Habang pigil luha akong tumalikod sa asawa ko.

"Ga? I'm sorry ga." Sabi naman ng asawa ko.

Hindi ko na lang muna siya pinansin, para hindi rin ako maging marupok.
Para hindi ko naiisip ang mga negative na bagay.

"I said stop saying sorry na eh." Sagot ko na lang habang naka talikod ako.

"Ay, kain na lang tayo AA, Gary". Sabi na lang ng asawa ko.

Tyaka ako lumayo at nag punta muna sa may, couch dito sa may pinto ng ward ng asawa ko.

"Tara, kami na mag pa pakain sa'yo. Para wala ka ng angal." Sabi pa ng bayaw ko na si AA.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now