LOREN'S POV...
Nandito ako kung saan naninirahan sila Lito.
Sabi nung caretaker nila. Umalis na sila, tinotoo nya nga yung pag alis nya.
"Saan ko po ba sila mahahanap?" Tanong ko naman.
"Hindi po sinabi madam eh." Sagot naman nung caretaker nung bahay nila.
"Sige po, sige po salamat po." sambit ko naman.
"Sige po ma'am." Sabi pa nya.
Tumango naman ako, tyaka lumapit kay Noli.
"Tara sa Pampanga." Sabi ko naman kay Noli.
"Hah? Anong gagawin natin doon?" Tanong pa nya.
"Basta, hahanapin natin yung mag aama ko." Sagot ko naman sa kanya.
Habang naiiyak na ako, kasi hindi ko na alam kung nasaan sila.
"Talagang si Lito pa rin ano?" Saad pa nya sa akin.
Hindi ko na nga din maintindihan yung sarili ko eh. Mahal ko ang asawa ko, mahal ko rin sya.
"Asawa ko pa rin sya eh." Sabi ko naman sa kanya.
Tyaka ako sumakay ng sasakyan.
Sumakay na rin sya ng sasakyan.
Sya rin kasi yung mag mamaneho.
"Paano naman ako Loren? Mahal na mahal kita. Pero sya pa rin yung gusto mo. Paano yung pamilya natin?" Saad pa nya sa akin.
"Kailanman hindi tayo naging pamilya. Hindi tayo magiging pamilya." Sambit ko naman sa kanya.
"Hindi ka na nga nya makuhang mahalin eh." Sabi pa nya sa akin.
"Ipipilit ko pa rin, dahil alam kong sa huli ay kami pa rin." Smabit ko naman sa kanya.
Hinawakan naman nya ako sa mga braso ko.
"Hindi ako papayag Loren, akin ka lang." Sambit naman nya sa akin.
Pagod na ako sa lahat ng bagay, paano kung pati kay Noli mapagod na akong tuluyan.
"Pagod na ako! " Sigaw ko naman sa kanya.
"I-i'm sorry Love ko. I know you don't deserve this." sambit naman nya sa akin. Tyaka nya ako binitawan.
"ok lang, ano ka ba naman." Sabi ko pa sa kanya.
"Pahinga ka lang sakin ha? Hindi na kita aawayin." Sabi pa nya sa akin.
"Oum, salamat talaga ha? Salamat sa pag titiis mo sa akin. Kahit na paulit ulit ako sa asawa ko. Hindi ko lang kasi maisip na pahihirapan nya ako eh. Kami ni Luis." sambit ko pa, at bulong ko sa huli.
Pero alam kong narinig nya yun.
"Ano kamo? Anong Meron kay Luis at Lito?" Tanong naman nya sa akin.
"Love? Kailangan mo na malaman ang totoo, I know yung consequences ko eh natitikman ko na. But you need to know the truth." Sambit ko naman sa kanya.
"Anong totoo love?" Tanong naman nya.
"Promise me wag kang magagalit ha? Kahit kanino sa amin ha?" Sambit ko naman sa kanya.
Hinawakan naman na nya yung mga kamay ko.
"Sige ano yun?" Tanong pa nya sa akin.
"i-i'm sorry Love, h-hindi mo anak si Luis." sagot ko naman sa kanya. habang naluluha na ako.
Kasi ito na nga yung consequences ko. And kailangan ko nang harapin ang lahat.
"Hah?" Tanong pa nya.
"anak ni Lito si Luis, nung may nangyari din sa amin ng asawa ko, noong isang linggo pa lang akong buntis sa anak natin. Possible pa lang may mabuo kami. At yung nga naging kambal ni Marco si Luis." pag explain ko naman.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
