106. Matampuhing Mga Bagets

17 1 2
                                        

LOREN'S POV....


























Nag re- ready naman ako para sa dinner nitong mga bata.
Yung asawa ko naman, ang kulit kulit nakuha pa mag joke.

"Ang panget mo sobra." sambit pa ng asawa ko sa akin.

"ako? Ok sige sabi mo eh." Sabi ko naman sa kanya.

"Kaya kita hindi mahal eh." Biro pa nya sa akin.

"Maski ako, hindi na kita mahal."  Biro ko din sa kanya.

"Ang haharot!" Saad pa ni Mark.

Habang may kinakapa pa sya sa may gilid ng kama nya.
Nakaka awa sya, hanggang ngayon wala pa rin syang nakikita.

Sana naman maka kita na sya para naman hindi na sya malungkot.

"Kuya ganun talaga po, pag nag be beg ang isang tao. Gagawin nya lahat, mapunta sa kanya lahat. Kahit mang harot po." Sabi pa ni Luna.

"Shh, marinig ka nila. Sabihin tinuturuan ko na naman kayo ng kung anu- ano." Sambit naman nya kay Luna.

"Ay, sorry po. Ano po ba hinahanap mo po?" Tanong pa ni Luna.

"Anything, na bo bored kasi ako eh. Wala na nga akong makita. Wala pa akong ginagawa sa buhay." Sambit naman ni Mark.

"Kuya? Gusto mo po ng nagtuturo for blind? Yung kung paano mag sulat yung mga ganun." Sabi naman ni Ysa.

"Anong tingin mo sa akin? Bulag na talaga ako? Edi wala na akong pakinabang talaga." Sabi pa ni Mark.

"Hindi naman po sa ganun kuya." sabi pa ni Ysa.

"Ganun na rin yun eh." Sabi pa ni Mark habang umiiyak.

"Hindi po kuya, sorry po." sabi naman ni Luna.

"Kasi eh, I'm useless na eh." Sabi pa ni Mark.

"Shh, hindi anak." Sabi pa ng asawa ko.

"Doon ka na nga po sa kanya." Sabi pa ni Luna.

"Bakit mo nitataboy si daddy?" Tanong pa ni Laz.

"Doon na sya kay mommy. Mag harutan na lang silang dalawa." Sabi pa ni Luna.

"Ano bang problema nyo?" tanong ko naman.

"Ikaw po, kasi nitatampo kami kay daddy." Sabi pa ni Ysa.

"Eh, sa daddy nyo naman kayo nag tatampo eh. Bakit anong kasalanan ko?" tanong ko naman.

"Kasi po, ikaw na naman po yung gusto nyang kasama eh. Hindi po kami po." Sagot pa ni Luna.

"So, nag je jelly kayo sa akin? Eh mommy nyo naman ako eh." Tanong ko naman.

"Opo, kasi po nikikihati ka pa po sa amin kay daddy po." Sagot naman ni Luna.

"Dapat po hindi po tayo ni je- jelly kay mommy. Kasi po mommy pa rin natin sya po." sabi pa ni Laz.

"Opo nga po, kung ibang kids po yun. Edi mag je- jelly po tayo po." Sabi pa ni Lean.

Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa. Kasi kahit pa- paano pinag tatanggol nila ako sa mga kapatid pa nila.

"Eh basta po, nakiki share pa po sya sa atin eh. Sa atin lang po si daddy." Sabi pa ni Ysa.

"Opo, and walang ibang lalapit po kay daddy po." Sabi pa ni Luna.

Naiinitindihan ko naman sila, syempre sa marriage namin. Nakikita nila paano nahihirapan ang daddy nila.

Nag play na lang ako ng radio, para naman hindi na ako masyadong makaramdam ng guilt.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now